Chapter 6

288 21 17
                                    


"Tama bang address itong napuntahan natin? Parang walang tao," taka kong tanong kay Kowru na nakatingin sa kanyang google map sa tablet.

Tumango sa akin ito bago ibinaling ang tingin sa bahay na nakatayo sa aming harapan, "Wala nang ibang lugar within the vicinity that fits the "In front of X.R Gasoline Station" description, Ambassadress."

Sabay kaming lumingon sa aming likuran kung saan nakatirik ang isang malaking station ng gasolinahan na ngaun ay busy sa pag rerefill ng mga tangke ng gasolina.

Ibinilik namin ang aming mga mata sa two storey na bahay na halatang ancestral house na curiously ay mukhang hindi nadamage ng nagdaang gyera several years ago.

Bagamat bakas ang katandaan sa istilo ng bahay, hindi maikakaila na well maintained ito at alagang alaga ang bakuran na puno ng mga namumungang puno at berdeng damo.

May garahe ang bahay ngunit walang kotse na nakaparada. Tahimik at parang walang tao ngunit bukas ang mga bintana.

Hinarap ko ang mga sundalo at empleyado ng embahada na nakasibilyan at manghang tinitingnan ang kapaligiran namin habang pinapanood ang mga nagdadaang sasakyan sa highway.

"Dumeretso na kayo sa Queen Margaret Hotel. Enjoy your rest. Strictly no working people! Sulitin nyo na ang long weekend na ito dahil ito na marahil ang huling beses na makakapagpahinga tayo until the elections are over. Pwedeng mag-inom pero wag sobra. Stay together habang namamasyal at wag lalayo. Malilintikan ako kila Hoshiro at High Priestess Yella pag napaano kayo. Is that clear?"

Nagsingisian at tanguan naman ang mga ito, "Yes, Ambassadress!"

"Mabuti. Now go and relax. Call me every night or if there is an emergency. See you on Monday afternoon everyone. Dismissed!" matapos kong bitwan ang mga salitang iyon ay nagpulasan na sila pabalik sa mga kotse at hindi nagtagal ay tinatahak na ng convoy ang kalsada papunta sa kalsada.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa kanila magbakasyon?"

Napatingin sa akin si Kowru at napangiti, "Why would I? My job is to keep you safe, Ambassadress. Im not just serving one but two employers who wishes nothing more than to make sure you are breathing and happily doing it."

"I know Kowru. Pero you need a rest. Wala nang oras since we met na hindi kita kasunod. Surely kailangan mo din ng oras para magsarili at mamahinga diba?" alalang tanong ko dito na to my surprise ay nagmukha itong malungkot and for the first time, he dropped his usual poker faced façade and showed a face na hindi ko naimagine na makikita ko sa mukha nya.

He looked suddenly sad, rejected and awfully hurt when he looked at me. His face made him looked younger. Parang batang nasabihan ng masakit na salita na any moment from now ay iiyak na.

"Nagsasawa ka na ba sa akin?" tahimik nitong tanong as if he is afraid of what I might answer, "Masyado ba akong maingay? Opinionated? Dikit ng dikit?"

Nakaramdam ng masakit na kirot ang aking puso ng makinig ko ang tanong nya.

Hindi sya ang Kowru na lagi kong maasahang sasandalan ko pag nagkakanda letse letse na buhay ko. Ang Kowru na walang alinlangang bubunot ng baril at itututok sa sentido ng kahit na sinong tao na nararamdaman nitong peligro sa buhay ko.

Ang Kowru na nasa harap ko ngayon ay isang teenager na mukhang insecure sa sarili at sa kung ano ang sinasabi at iniisip ng isang tao sa kanya.

Umiling agad ako at hinawakan ang may pisngi ng aking personal guard, "Hindi ako nagsasawa o magsasawa sa iyo. Hindi ka maingay o opinionated, Kowru. Ikaw ang tumatayong rason  ko sa pagsasalita mo. Hindi ka din dikit ng dikit, ginagawa mo lang trabaho mo."

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now