Act 4: Chapter 1

336 17 3
                                    



"Ambassadress, ayos na po ang lahat kaso," report ng isang tauhan ni Hoshiro sa akin. But he stopped abruptly na nagpatingala sa akin at nagpatigil sa pagsusulat ko.

Narito ako ngayon sa opisina ko sa kapitolyo ng Akimrea, ang Hotaru. Busy ako sa pag aayos ng mga trade agreements at deals ng kaharian ni Hoshiro at ng Pilipinas.

I am now the Ambassadress Plenipotentiary and Extraordinary ng Kingdom of Akimrea to the Federal Republic of the Philippines.

And unlike the same position I hold in Hyillia, this one is not a honorary title. Fully functioning Abassadress ako with the full authority bestowed by the Department of Lineage o ang pangalawang pinakamalakas na grupo sa Akimrea.

Ang department na iyon ay binubuo ng mga Clan Head o mga pinuno ng bawat miyembro ng mga tribo ng mga pamilya ng Akimrea. They serve as advisers to the ruling Head ng kaharian.

Or this time, si Hoshiro.

Last year ng pangalwang araw pagkadating ko sa Akimrea, dapat ay bibigyan ako ng trabaho ni Hoshiro sa Public Relations Division ng Monarchial Government.

Pero bago pa kami makaalis ng kastilyo nya ay dumating na agad ang mga myembro ng DL para personal akong kausapin. Isa na dito ang asawa ni Adeng na si Daniel.

Kinumbinsi nila si Hoshiro na isang malaking aksaya kung sa PR ng kaharian ako ilalagay.

They wanted me to be the Ambassadress of Akimrea sa Pinas. Seeing that I have the background and the ultimate trust and respect of the High Priestes; natural lang daw na itake-advantage nila ang experience ko para sa pansariling kapakanan ng kaharian.

They saw the economic rewards that Hyillia reaped when they decided to formalize their diplomatic tries with the Philippines especially in the outsourcing sector.

Tutal honorary lang naman daw ang posisyon ko sa embassy ng Hyillia, I should be able to work as a full time two-way ambassadress to the Philippines and vice versa.

Sa totoo lang ayaw ko na talaga maging Ambasadora but again, I received a letter of request from the High Priestess at ang Secretary ng Foreign Affairs ng Pilipinas.

Tutol din sana si Hoshiro pero napagisip ko na ayaw ko din namang maging palamunin at patira lang ni Hoshiro at Yishein sa Akimrea. Besides, nakakahiya kay Secretary at kay High Priestess Yella na nagpaabot pa ng commendations sa naging papel ko sa establishment ng Hyilliopolis-Manila relations.

Besides, If I accept, I have the influence and connections to enter the murky politics of my home country.

Pumayag ako sa gusto ng DL at eto na nga more than one year na akong nagtatrabaho dito sa Embassy ng Pilipinas sa Hotaru. Nag aangkat ng saging, pinya at electronics ang Akimrea sa Pilipinas samantalang ineexport ng Akimrea ang communication equipments at cables sa Pinas.

Unang taon pa lang pumalo na ng ilang bilyong dolyar ang palitan ang kinita ng dalawang bansa sa trade agreements not counting ang kinita ng tourism sector ng Pinas sa mga dumagsang turista from Hyillia at Akimrea sa mga beaches ng Boracay, Palawan at Versalia.

Yishein (the one heading the economic sector ng Akimrea) ay tuwang tuwa sa nangyari. Lahat ng kinita mula sa trade deals sa Pinas ay napapapunta sa lumolobong savings ng bansa.

Akimrea, like Hyillia is already a developed country. Unlike Pinas, salamat sa maliit na population nilang dalawa (not even more than three million combined) ay mabilis ang kanilang pag unlad. Not to mention no war, disasters o kahit anong pwepwedeng makapagpabagal sa pag unlad nila.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now