Act 3: Chapter 1

461 23 25
                                    


"Hi! Thank you for calling Swift Credit Customer Service! My name is Verns! How can I help you today?" masaya kong bati sa kasunod kong customer kahit pang ilang dosena ko na siya this long night.

Lumulutang na naman sa himpapawid ng production floor at sa liwanag ng bumbilya ang aking may lamig na utak sa antok. Almost Christmas season na at syempre madami na namang credit card related issues ang nagkalat sa mundo.

That and gawa siguro ng iniinom kong pain-killers kaya medyo "high" pa rin ng kauntian ang inyong lingkod.

"Nasugatan sa stampede ng mga nagtatakbuhang tao" ang press release ko at ng kumpanya kung bakit mukha akong mummy nang bumalik ako sa opisina the day after my supposedly bakasyon engrande na naging sugatan engrande.

Inofferan ako ng one month paid leave pero di ko na tinanggap. Baka lalo akong tamarin sa buhay.

"Oh Verns! Can you...." Simulang tanong ng pamilyar na boses ng lalaki sa akin sa kabilang linya.

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya bago ako sumagot, "Sir, saglit lang may kausap pa si Adrianne," sabi ko sa kausap ko sabay lingon sa babaeng mukhang nasa gitna ng mall at nag dedemo ng kung ano-ano.

Babaeng mukhang inianak ng t.v na ang palabas ay Kpop or something.

To be fair mukha nga itong hilaw na Koreana. Maputi ang balat ay may pagka chinky ang mga mata. Dagdag mo pa ang Korean fashion sense nito at naka boy's cap pa ay talagang aakalain mong may show na K-Artist sa tabi mo.

Boyish ang kilos at pananalita kaya mabentang mabenta sa mga customers ano man ang gender at age.

"Yes na yes mam! Kaya mag avail na kayo ng health insurance na ito! Mura na sigurado pa! Tanong ninyo mam sa mga kapitbahay ninyo! Pag check ko sa location ninyo, kayo na lang ang hindi pa naka Swift Health Insurance! Ano pa ba hinihintay mo mam? Kasal ko? Aba, matatagal pa un! Ano mam? Enroll na kita hah? Para di ka na nahuhuli sa mga kumare mo dyan na sabi mo ay tinatanong ka kung naka S.H.I ka? Ngayon, pahiya na sila! So go na mam? Go na?! Ay ang saya eto na mam!" mabilis nitong clinick ang enter button sa keyboard niyang puno ng glitter stickers at designs bago pa magbago ang isip ng kausap niya.

Ilang saglit pa ay nakapagclose na naman ito ng isang lucrative deal na nagkakahalaga ng mahigit sa one year na sahod naming dalawa combined para sa kumpanya.

Kaunting bola, tawa at paalam ay natapos na naman ang isang fruitful call ni Adeng bago nirecord ang kinita niya for today at bumaling ng tingin sa akin, "Paano ba yan Verns?! May pang kain na naman tayo?! May asim pa rin ang seatmate mo diba? Okay sagot ko ang dinner natin ni Elesa this weekend!" proud nitong sabi sa akin habang nag aayos ng buhok sa harap ng colorful niyang salamin na nakapatong sa desk nya.

"Oo na, oo na. Mamaya ka na manalamin at kunin mo na tong lalaki sa line ko dahil hindi pa ako nakakakota ng calls ko. Kulang pa ako sa kota!," pagmamakaawa ko sa kanya.

Thankfull ay mukhang kinilig ang bruha, "AY! Di mo naman sinabi agad Verna! Dali! Transfer mo na siya sa akin ng matubigan ang nanunuyot kong Avaya!" malandi nitong sabi sabay ayos ng upo na akala mo ay makikita siya ng kakausapin niya.

Napatawa na lang ako bago binalikan ang lalaki sa linya ko at sinabi ang script ko, "Thank you for patiently waiting Mr. Daniel Reid! As requested, I will be transferring you to our S.W.I specialist. Would there be anything else before I connect you over?"

"No, nothing as usual. I owe you as always, Verns," masaya nitong sabi sa akin.

"I'll keep that in mind sir! Hold the line please," iyon lang at itinapon ko na kay Adeng ang customer ko na bago pa ako magwork dito ay kalandian na ng katabi ko ang lalaking sa telepono lang niya nakilala.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now