Chapter 4

982 45 18
                                    


Isang araw na naman sa aking boring at normal na buhay.

Mga batang Raysers na nagpapatagalan sa init ng desyerto ng Almorica, mga mag kasintahang naglalampungan sa zen garden ng Feng at mga babaeng Zymeths na nakikipagtsismisan sa mga Brigantysians.

Muntik na akong mapabagsak sa putikan ng biglang may ilang members ng equestrian club na biglang huminto na lang sa tabi ko.

Well, okay kasalanan ko din naman dahil halos nakadikit ang ilong ko sa pahina ng libro ko at hindi ko namalayan na may paparating palang mga kabayo sa tabi ko.

"Apologies, my lady," tinig ng isang binata sa aking tagiliran.

Bumalik sa lupa ang utak ko at napamaang ako sa lalaking nakasakay sa isang silvery-white na stallion na halatang pang karera or something na nagpalipad ulit pabalik sa ere ng imahinasyon ko.

Kailangan kong kumurap ng ilang beses bago ko masigurado na totoo ang nakikita ko sa aking harapan.

Very much like the very main characters in my fairy tale stories. I don't know why pero sa red and black riding suit na suot nya, nagmukha siyang prinsipe mula sa mga librong binabasa ko.

Obviously not a Filipino born teenager, may dark brown eyes at pale black na buhok. For all the words that describe the princes in my stories, he fit the description very well.

At papalapit siya ngayon sa akin.

Nagniningning ang mga mata at nakangiting nakangiti sa akin.

Tumigil siya sa harop ko at matipid na tumungo, "Sorry again. Hindi ko napansin ang dinadaanan ko dahil sa ganda mo," matamis niyang sabi sa akin.

Wait, what?

Napakurap ako at napangiwi. Para bang bumagsak sa putikan ang pantasya ko ng makinig ko siyang magsalita ulit.

Tuwid ang tagalog pero halatang may accent. But never mind that.

Mahangin...

Not the wind literaly pero ang datingan ng kaharap ko.

Strike One.

Inayos ko ang tindig ko at umiling, "Okay. Maiwan na kita," mabilis kong sabi sabay talikod.

Kumurapkurap ako at pinalis sa utak ko ang hitsura ng lalaki. No, he is just a random obscurity. Hindi ganyan ang mga prinsipe sa aking mga libro.

"Representative Coordinator, sorry na! Date na lang kita promise! Mamayang hapon sunduin kita?" magiliw na sabi nito sa akin na sa gulat ko na lang ay nakasakay na ulit sa kabayo nya at nakasabay na naglalakad sa akin, "Euniche's Restaurant is the best kung hindi ka pa nakakakain dun. I'm sure we will have a wonde---," ulok niya sa akin.

Strike Two.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ulit ang nakasunod sa akin.

"Okay lang ako. Salamat na lang," matigas kong sabi sa kanya.

Dinoble ko ang bilis ng paglalakad ko. Pero dahil sa nakakabayo siya ay parang nagtangatangahan lang ako.

I gave up all hope to escape.

Pero nang makita ko ang isang Rayser na naglalakad papalapit sa amin at namukaan ko ito ay kinapalan ko na ang mukha ko.

"Ravinder!" malakas kong tawag sa lalaking, sa pangalan ko lang kilala at nagdasal sa aking mga yumaong magulang na sana, against all hope pansinin niya ako.

Napatigil naman ang binatang half-filipino half-urghuyistanian at dahil na rin siguro sa lakas ko sa mga magulang ko ay mukhang namukaan nya ako at nagsimulang naglakad papalapit sa akin.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now