Act 4 Finale

419 27 28
                                    


Nasa byahe na kami ngayon palabas ng Maynila.

Kasama ang isang mahabang convoy ng mga vans at kotse ay mabilis naming binabagtas ang kahabaan ng South Luzon Expressway.

I am sitting at the backseat of our car sa kanang side.

Si Drei ay nasa kaliwang side samantalang si Kowru ay nakaupo sa gitna namin.

I looked at Kowru's eyes that is now full of pride and triumph.

Our gamble paid off!

Wala pang isang oras ay bumalik si Kowru sa opisina at masaya nyang binalita ang naging resulta ng kanyang trinabaho.

We just found out that Stellar and Mystina, together with a friend just arrived from Micronesia Airport galing sa pagtartabaho nila sa isang curise ship.

We don't have the exact time but according sa mga nasagap naming communication ay nabyahe na sa kasalukuyan ang tatlo papauwi ng Lucena, ang capital ng State of Quezon.

Walang nakuhang gaanong impormasyon from Stellar directly pero sunod sunod daw ang text at tawag ni Mystina sa kanyang mga magulang kaya madaling na trace namin ang direction ng pupuntahan nila base na din sa location ng signal na ginagamit niya at ang mga bits ng salitang nasagap namin mula sa kanyang walang tigil na pakikipagusap over the phone.

Mabilis na nag pack-up lahat ng staff and soldiers ng embahada namin at bumyahe kami papuntang Quezon kasama si Drei under the pretense of holiday vacation.

We planned that after we confirmed na accurate ang data na nakuha namin and the dry run is a complete success ay mananatali kami sa Quezon for some relax and recreation until the start of the second week of January.

Kung failed ay balik Maynila kami para itama at ayusin ang system namin kaya lahat kami dito ay nagdadasal na sana accurate ung data na nakalap namin not just for Drei but also for our sake.

"Kamusta sila Winry at Travis?" basag ko sa katahimikan ng sasakyan habang binabagtas namin ang kahabaan ng Tiaong Bypass Highway.

Napailing si Drei at napangiti ng kaunti, "Sickeningly sweet. Hindi na nga ako makapaghintay na maikasal na ang dalawa para maging Grand Duke at Duchess na sila finally. Baka sakali mabawasan ang PDA ng dalawa."

Natuwa naman ako sa aking narinig. At least they are still together.

"Anyways, mukhang nag improve na ang tagalog mo Drei," nakangisi kong biro, "Wala na akong mahanap na nakakatawa sa pag imik mo."

"Honestly, nakakainsulto talaga ang mga pasaring mo sa akin dati so I decided to really study modern tagalog language by heart. Ayoko nang bigyan ka pa ng dahilan para pagkatuwaan ang bakwit kong dila," natatawa nyang sabi sa akin.

Tumango naman ako at binaling ko ang aking mga mata sa labas ng bintana kung saan nakikita ko na masayang naghahanda ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay para sa paparating na bagong taon mamaya.

Ano kaya ang magiging simula ng taong paparating para sa aming lahat?

-0-

Gabi na ng makarating kami sa Lucena City.

Ang mga emplayado ng embassy ay sa sa Queen Margaret Hotel bumaba at tumuloy samantalang ako at si Drei, kasama ang mga sundalo ay dumeretso sa Calmar Homes, ang lugar kung saan nakatira sila Stellar at Mystina ayon na din sa direction kung saan huling na track ang signal mula sa cellphone ni Mystina.

Gamit ang gps ay dumating kami sa isang one-way street at sa hindi kalayuan ay nakita namin ang isang two storey na bahay na kulay green ang bubong at puti ang pader.

The Sixth GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ