Healing Waves

284 18 6
                                    

"May tama ka na?" amused kong tanong kay Elesa na hindi na gaya kanina na nakangiti at tawa ng tawa lang sa kahit anong maliit na bagay na aming mapag-usapan.

Itinaas nito ang panglimang bote nya ng mamahalimg tequila sa tapat ko at malalim na lumagok bago ibinaba ito ng wala nang laman, "Para... Sa wakas, tumalab na din ang pesteng alak na ito. Mamahalin pero mahina ang tadyak."

"Or mabagal. Oh baka siguro sanay kang malasing, Elesa."

"Sanay?" natatawang balik tanong nya sa akin sabay tingin sa mga empty bottles sa harap nya, "Baka nga. Maari... After all, sa sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa buhay, ang pagpapanggap na lasing palagi at walang pakialam sa mundo araw-araw ay nakasanayan ko nang gawin for more than a decade or so to the point na kailangan ko ng alak para mahulasan sa aking ilusyon na wala akong pake sa buhay ko."

"Elesa..." sambit ko na lang as she smiled sadly before offering her right hand to me again.

"I'm Elesa Villarin, nice to meet you," she said meaningfully as she shook my accepting hand, "Pwede mo na akong makausap ng matino, Verna."

"Is this the reason why gusto mong magtagal ako dito kasama mo?"

"Indeed. Gusto talaga kitang makausap ng masinsinan but I'm afraid I'm far too deep in my pretentious little world na hindi ko makuhang mag seryoso sa usapan natin until hindi ako nahuhulasan sa aking kahibangan. I'm sorry," natatawang paumanhin sa akin nito.

I looked at her at lalo akong nagulat. Looks aside, the way we move, we carry ourselves and act is eerily the same.

Na kung isa kaming tauhan sa kanya-kanya naming istorya eh iisipin kong iisa lamang ang aming "ama" o author na lumikha sa aming dalawa.

"Well I was really expecting there is more from you than what you really show and I am not mistaken, Elesa. It's nice meeting the real you," nakangiti kong sabi sa babaeng nasa harap ko na sa halip na tanggapin ang more than ten million pesos na bayad for services redered, she instructed me to wire it anonymously to the country's largest and oldest charitable institution.

Wala na sa kanya ang pera it seems.

Or rather kahit gaano kalaking pera siguro ang meron sya, hindi nito maiibsan ang pagkukulang sa kanyang pagkatao.

"Well, mukhang paparating na any moment ang owners ng resto so I better say this to you, Verna," she said while looking directly at my eyes, "Ang mga gaya mo ang mga pinakamumuhian kong tao sa mundo."

Walang sugarcoating, she dropped those words without hesitation na parang isang malaking bato na dumagan sa aking puso.

Wala pang tao sa buong buhay ko ang nakapagsabi sa akin ng mga katagang binitawan nya.

I decided not to say anything dahil ramdam ko na may sasabihin pa syang kasunod sa akin.

"Mga taong hindi marunong magmahal kung ano ang meron sila. Hindi marunong makaintindi na nasa harap na nila ang wala ako at nakukuha pang magreklamo at maawa sa sarili," she said with so much hate and contempt na parang ilang beses akong sinuntok at sinampal sa bawat salitang ibinagsak nya.

Gusto kong magalit sa mga sinabi nya pero I know deep down na walang hindi totoo sa mga binanggit nya.

Masyado na nga talaga akong nagpalamon sa awa sa sarili na hindi ko na magawang makita man lang o maramdaman na may ibang mga tao na walang-walang kasama sa buhay.

Na may mga gaya ni Elesa na tulad ko na nawalan ng magulang dahil sa gyera ngunit hindi pinalad na magkaron ng mga tulad ni Hoshiro at Ravinder sa kanyang buhay.

"Paano na lang ako na sadyang walang kasama sa buhay? Nabubuhay mag isa dahil naiwan ng iba. Kung ang tawag mo sa sarili mo ay nag iisa..." she said in almost a whisper.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon