Chapter 9

282 24 16
                                    

"Verna? Ayos ka lang?"

Napakurap ako at bumalik sa paningin ko si Tito Brycen na mukhang nag-aalala dahil nag space out ako.

Tumango ako agad, "I'm fine. Naisip ko lang gaano kaswerte ang mga anak mo sa iyo."

"At kung ano ang pakiramdam kung may ama ka na ganito din sa iyo?" balik tanong nya sa akin na nagpaiwan sa aking nakanganga at basag ang depensa.

How can he possibly know that?

Wala pa ni isang tao ang nakakahula ng iniisip ko spot on.

Just how?

"Paanong..." sambit ko na nagpangiti naman ng malungkot sa kanya.

"You are good at keeping a poker and hard to read face Verna. I give you that much. Pero nahalata ko pag tungkol sa usapang pamilya na ang dali mo nang mabasa," he said quietly while staring at my eyes directly, "Nung mabaling sa pamilya usapan natin, your face showed me what you are feeling. Naramdaman ko ang lungkot at pangungulila mo. Your face changed from being emotionless to something that showed me what you really feel na kabaliktaran ng sinabi mo," sabi nya sa akin without breaking an eye contact.

Tahimik lang ako at pilit ko dinadampot ang nabasag kong depensa na mukhang wala nang pag-asa pang mabuo pa sa ngayon. He broke it all and shattered everything I built around myself in a single sentence and all I can ask him is...

"How?"

Napakurap si Tito Brycen at malungkot na ngumiti, his eyes getting watery, "Kasi alam na alam ko ang mukhang iyan. Ganyan na ganyan ang hitsura ng asawa ko pag naalala o hinahanap nya ang kanyang mga magulang," he said clearly, his voice is croaking as he speaks, "Nung bininyagan ang panganay namin, lahat masaya pero as water pours down Brix's head, he looked at me with that face and asked me, "Ano kaya ang mararamdaman nila tay at nay kung nandito sila?" It broke me time and time again. Bawat binyag, birthdays, milestones ng buhay naming mag-asawa, ng mga anak namin, ganyan halos ang hitsura niya. Hindi na sya nagtatanong o nagsasalita. Pero I know exactly what is behind her expression. Pangungulila at pagnanais na sana nandito pa sila at hindi nawala."

I don't honestly know what to think and feel...

That explains bakit umiwas sya sa akin after kong masabi na kung ano lang ibabayad ko para lang maranasan ang makausap ang mga magulang ko...

The way she reacted and touched her chest. Kung ako nasa sitwasyon nya ganun din magiging reaksyon ko.

"I reminded her of what she lost and what is missing. Right?" tahimik kong tanong sa asawa nya na nakatingala na ulit sa langit.

Pero umiling ito, "Not quite, Verna. You reminded her of her greatest regret in her life na hanggang ngayon ay dala-dala nya after all these years..."

"Anong..."

Pinutol ni Tito Brycen ang sasabihin ko as he looked at me again sorrowfully, "Na wala dapat tulad mo na nagdudusa at naranasan ang pinagdaanan nya o mas malala pa kung hindi lang sya nagdalwang isip na tumulong agad sa kalagitnaan ng gyera," deretsong sabi nya sa akin ng walang pag-aalinlangan o pagpipigil while he is laying bear what his wife is carrying, "Na kung hindi sana nya inisip ang sarili nyang pasakit at kawalan ng pag-asa baka walang tulad mo na nawalan ng ama at ina. Na walang namatay ng hindi naman kinakailangan. Na kung pinilit nyang paganahin agad ang X.R Gasoline Station at ang planta ng kuryente. Gaano kadaming buhay sana ang naisalba? Gaano kadaming bata na tulad mo sana na buo ang pamilya. If her detractors think she is blissfully forgetting what she could've done, then they are very wrong. Until now daladala pa din nya ang mga bunga ng kanyang naging desisyon noon. Pinagsisisihan nya at hindi kinakalimutan ang mga nangyari. Isang kasalanan na alam nyang wala nang kapatawaran. Hanggang ngayon hindi nya magawang tumapak sa Versalia. Hindi nya masikmurang bumalik sa lugar na madaming nawalan ng buhay at nasirang kinabukasan dahil sa kanya," buong pusong pagtatapat sa akin ni Tito Brycen.

The Sixth GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang