Chapter 7

462 30 19
                                    


"Sure sir. Not a problem! Let me go ahead and transfer you to the Spaniards," halos nahikab na sabi ko sa kausap ko kaso bigla ko naalala na mali ang sinabi ko, "I mean sir Spanish, yes Spanish bread. Ay. I mean sir Spanish Department. Please hold," paalam ko sabay pindot ng transfer bago kung ano pang kagagahan masabi ko.

Pinindot ko sa Avaya ang number ng Spanish Department. Wala ata masyado natawag sa kanila kaya nasagot agad ang tawag ko at naipadala ko na si Sir sa tamang kinauukulan.

Nag-auto in na ako (meaning ready sa tawag pero sa katunayan ay hindi pero no choice) pero laking gulat ko na walang nag toot.

Avail! (Meaning walang caller kadalasan nagtatagal ng ilang segundo o minuto o pag pinagpapala ka ng mga stars, oras).

"Sabaw, minsan ulam sa pantry. Minsan utak mo," sabi ng boses sa likod.

Gulat na napaikot ang swievel chair ko at nakita ko si Hani na nakatayo sa likod ko at nakapamewang habang hawak ang isang clipboard.

Manager siya ng account na ito.

At ang kahulihulihang tao na gusto kong makakinig ng sabaw moments ko.

"Ay Hani! Kanina ka pa dyan?" nakangiwi ko ng tanong sa napapailing na manager sa likod ko.

Tumango ito at pabirong hinampas sa ulo ko ang hawak na clipboard, "Oo kanina pa matapos mong sabihan na ipapadala mo sa mga mananakop ang customer tapos offeran mo ng tinapay," naiiling na sabi nito sa akin sabay tapik sa hawak niyang board, "I avail mo na kasi yung natengga at natambak mong paid time off para naman makapamahinga ka! Aba, since ng dumating ka dito more than six months ago ay hindi ka pa nag babakasyon!" udyok nito sa akin.

Grabe. Six months na pala ang nakakalipas simula ng mag start ako dito sa Hyillia. Sa sobrang bilis ng oras at araw sa trabahong ito, hindi ko na napapansin ang bilis ng takbo ng panahon.

True to their word, nagsimula na ngang mag hire ang Consitechland Hyillia ng mga professionals mula sa Pinas. Ang first five hundred ay nasa 20th floor na ngayon at nakikipagaway, este nakikipag tulungan sa mga customer sa technical assist ng Sprink Telcom. Ang mga sumunod na ilang daan na nadagdag dahil narereach ko ang metrics ay nagtetrain as of this moment.

Pero hindi ako nag paid time off o pto dahil ang boring na nga pag day off ko two times a week dadagdagan ko pa? Busy din naman si Elesa at sabay kami ng day off kaya minabuti kong wag mag avail dahil wala naman ako makakasama sa unit o sa pamamasyal dahil hindi rin nag off ang kaibigan kong receptionist.

For the economy daw.

"Wala pa ako sa mood mag pto Hani. Pass ulit," nakangiting sabi ko sa manager na napailing na lang at tinuro ang orasan na quarter to five na ng umaga.

"Fine. Mag last break ka na," utos niya sa akin.

Tumango naman ako at nag log out sa Avaya at sa pc bago tumayo at nag unat.

Akmang lalakad na ako pero tinawag ako ni Hani.

"Stars! I almost forgot. Puntahan mo daw asap si Tori sa reception desk. Importante daw," paalala sa akin ng manager ko.

Nag thumbs up naman ako at dumeretso na palabas ng production area.

Sa halip na sa pantry ay kay Tori na ako sa ground floor dumeretso dahil wala ako sa mood mag break. Nabusog ako sa tubig so wala akong gana.

"Tori, hinahanap mo daw ako sabi ni Hani?" tanong ko sa receptionist na naghihikab na ngayon na nagsasalansan ng ilang patong na papel sa desk nya.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now