In Medias Res

358 20 13
                                    



"Halika, Verna. Tayo ka sa tabi ko."

Buong galang akong naglakad papunta sa kinakatayuan ng pinaka importanteng babae hindi lang sa Hyillia kundi pati na rin sa Akimrea at Uyghuristan.

Ang babaeng nakatalikod ngayon sa akin at nakatingala sa kalangitan ng Hyilliopolis na puno ng mga bituin na nagniningning at kumukutikutitap.

Nang makarating na ako sa kanyang tabi ay nakita kong hawak-hawak nya ang munting parol na ibinagay ko sa kanya kani-kanina lamang, ilang oras pagkarating namin sa kanyang bansa.

Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ng isa-isang ipinakita namin sa kanya ang ipinakiusap nyang pasulubong mula sa Pilipinas.

"Kamusta naman ang naging endeavor mo sa Philippines?" tanong ni High Priestess Yella sa akin habang patuloy na nakatingala sa kalangitan, "Was it fruitful?"

I nodded quickly, "It was, your eminence. Every single detail of what transpired is in the report that we submitted to your shrine maidens for review."

"I know. Pero I wanted to hear it galing mismo sa iyo. Did you perhaps find something or someone of value? May mga taong nakasalamuha ka ba na nagpabago sa iyong pananaw sa buhay?"

Napakurap ako at nanahimik sa kanyang malalim na tanong sa akin. I know for a fact that she is much more than a religious figure. She is like the mother of all Hyillists. In three countries following her religion, she is viewed as the guiding star which is both knowledgeable and deep.

Dapat hindi na ako magulat sa ganitong klaseng tanong coming from her but I can't help myself to be surprised and be lost for words.

Minabuti kong tumingala at magbakasakaling sa mga bituin ko din makita ang sagot na hinahanap nya sa akin.

"I did. Ang dami kong nakilalang mga taong dati ay sa mga libro ko lamang nababasa ang kinalang mga pangalan. Mga taong nagpabago ng aking tingin sa aking sarili. Taong hindi ko akalaing makukuha kong makadaupang palad, much less, mapatawad. I met people who seemed shallow at first glance but is much deeper than who I am. Someone who like me, came from the same past but experienced life far different and arduous than what I trod. Isang lalaki na hindi ko akalaing magagawa kong harapin after all the things that happened at isang babae na wala akong kamuwang-muwang na naapektuhan ko ng sobra ang buhay," tuloy-tuloy na sagot ko sa kanya na para bang isang anak lang na nagkwekwento sa kanyang ina.

She glanced at me and smiled kindly, "And after meeting all of them, did you perhaps learned something? Tell me one single thing na pinakatumatak sa iyong puso at isipan?"

Napatungo ako at napapikit...

Ang dami...

Napakadaming mga bagay na hindi ko akalaing mga basic na mga bagay na binabalewala ko lang pero napakaimportante pala sa ibang tao ang nalaman ko at napatunayan...

Ngunit kahit magkakaiba silang lahat ng pagkatao at buhay, all of their life experiences and hardships taught me one thing...

Napatingin ako sa hawak na recycled na parol na gawa sa mga patapong basura na hawak-hawak malapit ni High Priestess Yella malapit sa kanyang dibdib...

"Halaga..."

Napangiti sya sa akin ng bitawan ko ang salitang iyon bago tumingin sa parol, "May mga bagay o mga tao tayong pinagpapawalang bahala. Mga taong kilala natin o hindi pa. Hindi natin nalalaman ang kanilang tunay na halaga hanggat hindi sila nawawala sa atin," malungkot nyang sabi sa akin as she touched the star in her hand with utmost care, "Mapalad ang mga taong nakikita ang tunay na halaga ng isang tao o bagay bago pa ito maglaho. Mapalad din ang mga taong binibigyan ng importansya at nalalaman ang tunay nilang halaga sa paningin ng iba..."

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now