Chapter 4

420 15 3
                                    


Nawala ang ngiti sa aking mga labi pagkatapak na pagkatapak ko sa labas ng Hyilla Theocratical Airport.

Swerte ko nang makabilang ng sampung mga sasakyan sa malawak na highway sa harapan ng airport.

May mangilan-ngilang mga taong naglalakad sa mga overpass pero for a capital city, para itong ghost town or something.

Ang nakakapagtaka pa ay para sa isang international airport, napaka kaunti ng mga byaherong naglalabas masok dito. Kung ganitong oras na NAIA o sa MIA ay swerte mo nang hindi masiksik at mapirat ng todo sa dami ng mga taong nagbabalyahan at nagsisiksikan makalabas o makapasok man lang ng bansa.

This is certainly what I'm not expecting Hyilla to be.

Dapat pala sinearch ko muna sa net kung ano ba talaga ang hitsura ng lugar na ito bago ako lumipad papunta dito para may idea man lang ako what to expect.

Hindi kagaya nito na halos mangalay na ang panga ko sa pag nganga habang kalakaladkad ang maleta ko papunta sa bus stop.

Sabi ko sa sarili ko kailangan hindi ko alamin kung ano ang hitsura ng Hyilla para masurprise ako pagdating ko.

And what do you know?

As I waited for a bus ride na parang hindi na ata dadating dahil pwedeng pwede na magpatintero ang mga bata safely sa expressway sa unti ng sasakyang dumadaan, I just realized. Kung kelan kailangan kong mag research, tyaka naman ako tinamad.

Dumako ang tingin ko sa isang higanteng billboard na nakatayo sa kabilang side ng highway.

"WELCOME TO HYILLIOPOLIS! THE HOLY ASTRAL CAPITAL!"

Napangiwi naman ako at napailing.

Yeah right.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa aking paligid na mabibilang sa kamay ko ang dami ng taong nakikita ko.

Naiinis ako sa dami ng tao sa Manila at sa Pinas in general. Siksikan kahit saan, mapaschool, mrt, jeep o tricycle. Sa overpass o sa mall hindi pwedeng wala kang masasagi o mabubunggo.

Pero as I look at this deserted place excuse for a capital city, I realized how much I prefer na may nakikita akong madami at maiingay na mga tao compared sa ganito na parang lumikas lahat ng populasyon.

Napatigil ang pag-iisip ko ng makinig ko ang busina ng isang double decker na bus na kulay violet na sa British Channel ko lang napapanuod dati. Albeit, red in color.

Huminga ako ng malalim ng tumigil ito sa harap ko at iniakyat ko ang aking maleta sa tulong ng kundoktor at para naman maiba ay nirequest ko kung pwedeng sa second floor ng bus ako pwedeng umupo.

Tumango naman ang kausap ko at umakyat na ako sa hagdanan ng bus kasunod siya.

Unsurprisingly, maliban sa mag-inang tulog sa first floor ng bus ay ako lang ata ang pasahero ng bus na ito na naconfirm ko nga ng makita kong solo ako sa malawak na espasyo ng taas ng bus.

Pagkaupong pagkaupo ko ay umandar na ang bus at nagsimula na ang byahe ko papunta sa city center ng capital state ng Hyilla.

-0-

"Destination?"

Napalingon ako sa konduktor na nakatayo sa tagiliran ng inuupuan ko na nakangiti sa akin habang hawak ang isang tablet.

Come to think of it, ngayong natingnan ko sya ng mabuti, I just realized na he can't be more than sixteen or fifteen years old. Ang bata naman para mag trabaho.

Pero then again, sa Pinas nga bata pa lang nagtatrabaho na makatulong lang sa pamilya.

"Just give me a moment," magalang kong sabi sabay bunot ng purse ko sa aking sikip na pantalon at binuksan ko iyon para hugutin ang nakatuping papel na binigay sa akin ng Hyillian Ambassador.

The Sixth GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora