Chapter 2

332 18 6
                                    


"Ano ang mas gusto mo? Ito o ito?" magiliw na tanong sa akin ng kasama kong lalaki.

Huminga na lang ako ng malalim at napasulyap kay Kowru na napapangisi sa kinalalagyan ko ngayon.

Bwisit na bata, natutuwa pa sa dinadanas ko ngayon.

Oh well. No pain, no gain.

"Parang mas maganda itong orange for me," sagot ko sabay inilapit ko aking mga mata ang makintab na singsing, "Citrine Quartz may not be the most valuable or expensive stone pero ang ganda ng orange color nya at nirerepresent ang Vasque perfectly."

"Perfect! I'll take this," masayang sabi ng kausap ko sa akin sabay tango sa nakangiting jeweler sa harap namin na mabilis sumunod at inayos na ang lalagyanan ng ring.

"I still don't know how this is related to my request," maingat kong tanong sa lalaking nag abot ng credit card sa cashier.

"Verna, may kailangan ka sa akin. Natural humingi ako ng kapalit diba?" nakakalokong balik tanong ng lalaki sa akin.

Nakuha na nya ang binili naming singsing at inakbayan na nya ako palabas ng Tiffany's sa Rustan's.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong naming shoppers and I can't hardly blame them.

Ang kasama kong lalaki ay nasa midforties na nya pero sa sobrang gandang lalaki ay mukha lang itong nasa late twenties or something.

Kayumanggi at makarisma ang ngiti kahit medyo patpatin ang katawan. May charming na ngiti at lighthearted humor.

Kasunod na pinasok namin ang isang high-end cakery at mabilis kaming inassist ng manager mismo.

"Sir, almost ready na po ang cake na inorder ninyo. All we need to know is kung anong flavor ng icing ang gusto ninyo?"

Ngumiti ang kasama ko sa akin at tumango, "How about you tell him kung anong flavor ang gusto mo?"

Alam kong wala ding kwenta ang pag angal ko kaya I just decided to nod at nilapitan ko ang 6 layered cake sa tapat namin.

"How about orange flavored cake? And please, mas gusto ko yung vibrant yung pagka kahel nya para stunning tingnan. Lagyan na din ng seahorse shaped like the number six sa tuktok para tamang tama sa motif," sabi ko sa manager na agad namang tumango at nagtawag ng mga staff at ipinasok ang cake at ayusin na.

"Can we expect it later this night?" alalang tanong ng kasama ko sa manager na busy sa pag uutos, "Ayaw ko naman masira ang gabi namin," sabi nito sabay kindat sa akin.

Confident naman na tumango ang manager, "Wala kayong dapat ikabahala. I will personally deliver and set it up myself. Anything for a valued customer for decades!"

"Salamat ng madami. Uuna na kami ha? See you later then," iyon lang at inakbayan na nya ulit ako palabas ng shop at naglakad na kami ng mabilis papunta sa sasakyang nag aabang sa hindi kalayuan.

"Sa Taguig tayo pupunta. Follow my convoy," sabi nya sa akin bago sya sumakay sa kotse nya.

Napailing na lang ako at hinarap si Kowru na nasa likod ko, "No choice. Tara na Kowru. Brief me sa latest news about sa election habang nabyahe tayo."

"As you wish, Ambassadress. Let's get going," sagot ng sundalo at ipinagbukas nya ako ng pintuan ng kotse.

-0-

"Malaki ang naging tulong ng pagkalas ni Senator Lacerna sa partido nya at ang pagkampi niya kay Senator Fortalejo," simula ni Kowru sa report nya as he scroll down his tablet, "Napakalakas ng hatak sa tao ni Senator Lacerna kaya isang malaking blow ito sa mga kalaban nya."

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now