Chapter 4

298 18 16
                                    


"Sigurado ka ba talaga dito, Ambassadress?" kabang bulong na tanong sa akin ni Kowru habang naglalakad kami kasunod ng butler ng mansion na pinuntahan namin ngayon.

"Good question, Kowru," matipid na tugon ko dito sabay pilit na ngiti sa butler na napalingon sa amin, "Actually I think hindi na importante kung sasagutin ko pa ang tanong mo diba? It's not like may chance pa tayong mag back-out diba?" kabadong sagot ko sa aking personal guard na nanginginig na inayos ang kurbata ng suot na black suit.

Naglabas na lang ito ng magkahalong buntong hininga at kinakabahang mahinang tawa as we continue our pace habang binabagtas ang marangya at malawak na patio ng pinuntahan naming villa sa puso ng isa sa pinaka exclusive village dito sa Pilipinas.

Modern Victorian Era ang style ng landscaping at nagkalat ang mga Romanesque statues at fountains sa paligid. Nagtataasang mga grass hedges at mga rose vines na magaganda ngunit matitinik.

Hindi nagtagal at naabot na namin ang harapan ng mansion na Modern Renaissance ang design. Ang lawak at halatang hindi bababa sa fifty million pesos ang halaga ng labas ng bahay.

Take note.

Labas pa lang yan.

"Please, Ambassadress, after you," magalang na sabi sa akin ng butler ng pinagbuksan nya ako ng dambuhalang front door at pinauna akong pumasok.

Akmang susunod si Kowru sa akin pero humarang sa dadaanan nya ang matanda, "I apologize but for security purposes, we are only allowing Ambassadress Verna to enter."

"But...!" mabilis na tutol ni Kowru sabay tingin sa akin.

"It's allright, Kowru," alo ko dito, "Kasama talaga sa conditions ng meeting namin na ako lang ang makikipagkita sa kanila. This is the farthest you can go."

Mabilis na umiling ito at inilapit sa aking tenga ang kanyang bibig, "Don't be ridiculous! This place is dangerous! Pansin mo naman diba? Ang daming security camera at mga hidden guards na nakamatyag sa atin as we walk, Ambassadress!"

"I know, but I am willing to take the risk," madiin na balik bulong ko dito, "Don't worry. I can handle myself. Compared to Riksent, this place is a walk in a park. Now go. I am sure you will know if I'm in danger whatsoever," assure ko dito sabay mahinang tulak dito palayo.

Akmang rereklamo pa ito pero nasalag agad ito ng butler, "Nothing to worry about good sir. Rest assured, the Ambassadress is safe with the mistress," paninigurado nito dito bago nagbow at itinuro ang veranda sa hindi kalayuan kung saan may lamesa at upuan na may nag-aabang na maid, "Now please, if you follow me. We prepared Akimrean snacks for you."

Wala nang nagawa si Kowru kundi tingnan ako as the huge door closed behind me.

Napatingin ako sa malawak na entrance hall ng mansion at lalo kong naramdaman kung gaano kaganda at kadelikado ang bahay na ito.

It is so beautiful, make no mistake. European meets China ang motif ng decorations at upholstery.

May mga silver suits of armor sa pagitan ng mga mamahaling porcelain vases. Silk curtains ang nakabalal sa mga bintana, smooth granite ang dingding at glazed white marble ang tiles ng sahig.

May makapal at pulang gold lined carpet sa steps ng grand porcelain staircase.

I am surrounded by beauty and luxury on all directions. Even if I'm intelligent, I won't bother computing how much is the cost of this room alone. Very imposing yet commands respect and awe para sa kung sino man ang may ari ng bahay na ito.

Kung bahay pa nga bang matatawag ang lugar na ito...

"My lady".

Napatingin ako sa naka European maid uniform na babae na nagbow sa harap ko at itinuro ang isang silid sa second floor na kita sa kinatatayuan ko.

The Sixth GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang