Act 3: Finale Part 3 (Final)

349 23 7
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at oras na para lumipat ako sa Akimrea.

Konektado ang Hyilliopolis sa Hotaru, ang kapitolyo ng kaharian nila Hoshiro at Yishein through undersea tunnel spanning more than fifty kilometers.

I resigned to my job na nagbigay sa akin ng opportunity para makatulong hindi lang sa buhay ko kundi pati na rin sa mga kababayan ko.

Mamimiss ko ang pakikipag away sa mga customers at sa pakikipagkwentuhan sa mga matatanda over the phone.

Nagpaalam na din ako kila Adeng, Sir Jeff, Hani, Torri at Winter na surprisingly ay alam na ang pag reresign ko.

They wished me luck and bade me farewell without so much as a wave.

Kinontak ko directly ang High Priestess ng Yella para magpasa thru fax ng resignation letter ko at personal na magpaalam. Pero she, as well as the Secretary of Foreign Affairs ng Pinas mismo ang nagsabi sa akin na hindi nila tatanggapin ang resignation ko. I can still work as an Honorary Permanent Ambassadress Plenipotentiary and Extraordinary ng Pinas for Hyillia as it has always been.

Nahihiya ako kay Secretary na nag asikaso sa akin when I left my country at syempre sa High Priestess ng Hyillia na tumanggap sa akin at sa mga kababayan ko so I have no right to say no to their request.

"Kuya wala pa rin si Elesa?" malungkot kong tanong sa lalaking reliever ng resepsyonista.

"Naku wala pa Ate Verna. Naka one week leave," sagot nya sa akin.

Pinilit kong tawagan siya these past few days pero puro voicemail lang ang nakikinig ko sa kabilang linya.

"Pakisabi na lang umalis na ako ha? At tawagan naman niya ako," bilin ko sa lalake ng makita ko ang isang brigada ng mga sundalo na sundo ko sa entrance ng condominium.

Tumango naman ang lalaki bago nagpaalam na sa akin para I assist ang isang customer.

Kung may isa man akong pinaka mamimiss dito, si Elesa yun.

Siya ang nag asikaso at naging kadamay ko sa lahat ng nangyari sa buhay ko simula ng umalis ako sa Pinas. Nakakapanibago ang buhay tyak pag walang isang Elesa na nabati sa iyo tuwing umaga at nagpapalayas sa iyo pag madami siyang kausap at pilit mo siyang kinukwento.

"Ambassadress eto lang po ba ang gamit ninyo?" magalang na tanong ng isang sundalo ng Akimrea na nakatingin sa hatak kong lumang maleta at isang malaking plastic bag.

Medyo napahiya naman ako.

"Ah oo. Ang unti ano? Nakakahiya man pero yan lang talaga ang pag aari ko sa buhay," nakangiti kong sabi sa kanya na kinig ng iba niyang kasama na surprisingly ay mga nagsingitian.

"No need to be ashamed. You are as simple and frugal as what Crown Prince Hoshiro always tell us," magalang na sagot nito sabay kuha sa aking mga gamit.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Pinalibutan ako ng mga sundalo at lumabas na kami ng building.

Bago ako sumakay sa naghihintay na armored luxury car ay napatigil ako.

"Teka lang mga kuya ha?" pigil ko sa mga nagsisialisan sanang mga sundalo sa tabi ko.

"May problema po ba?" tanong ng isa sa akin.

"Ano yung nakinig ko kaninang "always tell us" ha? Anong pinagsasasabi sa inyo ni Hoshiro tungkol sa akin ha?" demand ko sa kanilang lahat.

Mga napangiwi ang karamihan sa kanila at ang iba naman ay hindi makatingin sa akin samantalang ang ilan ay napakamot sa likod ng kanilang ulo.

"Ano nga?" ulit kong tanong sa kanila ng walang sumagot hanggang sa lumapit sa akin ang kapitan nila na magalang na nagbow sa akin.

The Sixth GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon