Chapter 6.5

385 27 12
                                    

*Toot*

*Taglish*

Grabe.

Hindi man lang nakahinga.

Inayos ko ang mouthpiece at pinilit kong ngumiti.

"Hi! Salamat sa pagtawag sa Akimrean Swift Customer Service. Ako si Verns! Ano ang maitutulong ko sa iyo ngayong araw na ito?"

"Hi Verns! Account number...," naglitanya ang boses ng isang babae at derederetso nyang sinabi ang kanyang credit information at security verification.

Mas ok naman sa akin. At least hindi ako magpapakahirap maglitanya din ng tanong.

Win-win.

"Nandito na ang credit account information ninyo Ms. Yanagi. Ano ang gusto mong gawin ngayon dito?"

Bumuntong hininga ito at tumikhim bago sumagot, "Actually gusto ko sanang magbayad. Pero naiwala ko yung bill ko. Magkano ba ang balance ko?"

Tiningnan ko ang total at hindi ko mapigilang hindi mapataas ang kilay ng binasa ko ito sa kanya, "Four hundred twenty seven thousand dollars and fifty eight cents, Miss Yanagi. Do you want to pay in full or partial lang?" tanong ko sa kanya.

"Full," mabilis na sagot nito na nagpanganga sa akin.

Bago pa ako maka oo ay sumangat agad ito, "Actually bago ko bayaran pwede tingnan mo muna kung may late fee? Late na ata ako sa pagbabayad?"

"Sure. Saglit lang," sagot ko sa kanya sabay click sa late fees. Nyay, meron nga at ang laki, "There is actually a late fee here. Fourty seven thousand dollars kasi late ka ng two weeks."

Napasinghap ito understandably. Kung ako, hindi lang singhap. Hiyaw at iyak pa, "Oh my stars! Ang laki! Wala bang way para matanggal yan? As far as I know first time ko pa lang ma late in my credit history," paliwanag niya sa akin.

"Let me see what I can do. Can I put you on hold for one to two minutes para tingnan kung may magagawa ba ako?"

"Sure sige. Take your time," sagot nito sa akin.

Priness ko ung hold button sa Avaya sabay press ng line two para idial ang extension ng Removal Department. Sila kasi ang magsasabi kung pwede ko tanggalin o hindi base on the credit history ng customer na wala akong access.

Ilang saglit pa ay nag ring at may sumagot na sa kabilang linya.

"Jeeves from Removal Department. Your id number please," tanong ng lalaki sa kabilang linya.

Mabilis kong kinuha ang I.D ko at tiningnan ko kung ano ang number ko, "086244. Ferta. Customer Service Department."

"Thank you. I have pulled up the account you are working on and just to verify this is for Saiza Yanagi, is that correct?" tanong niya sa akin.

"Yes. It's a late fee and she is wondering if she can have it waived?"

"I see. Well, nothing to worry about go back to your customer and tell her it will be removed in the next 2 to 3 days and it will reflect on her next billing cycle."

"Thank you Jeeves!" pasalamat ko sa kausap ko.

"Your welcome. Enjoy your shift!"

"You too!"

Binalikan ko ang customer ko, "Hi Ms. Yanagi. I apologize for the hold. Pero may good news ako sa iyo. Consider the late fee gone. Makikita mo na natanggal siya after 2-3 days sa online account ninyo at sa next statement bill ninyo next month."

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now