Chapter 3

428 30 25
                                    

"Lumapit nga kayo dito! Dali, pila kayo sa harap ko," inis na utos ko sa mga sundalong kasama ko ngayon sa lobby ng Peninsula.

They are all wearing a bow and tie outfit at hindi maayos ang kanilang mga neckties.

"Mga marurunong humawak at magpaputok ng baril pero hindi marunong magsuot ng kurbata? Makakarating kay Yishein ito, mark my words," inis na sabi ko habang isa-isa ko silang inaayusan.

Napangiwi naman sila sa akin at napakamot sa likod ng kanilang mga ulo.

All of them are younger than me.

Figures, lahat ng mga beteranong sundalo ay kailangan sa Akimrea kaya ang mga top notcher sa Military Academy ng Akimrea na lang ang pinadala para bantayan ako.

Experienced and elites they may be; they are still kids to my eyes.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan Kowru? Pumarito ka at aayusin ko damit mo. Hahabulin ka ng plantsa sa suot mo ngayon!" inis na sabi ko sa nahagalpak na bata sa hindi kalayuan.

Napasimangot ito at tumayo na sa harap ko habang hinayaan nya akong ituwid kahit papaano ang mga gusot sa kanyang damit.

"Oh diba? Mas ok na tayo ngayon!" proud kong sabi ng maayos ko na mga suot nila.

"Ambassadress kung hindi ko alam na sa Divisoria mo lang binili yang suot mong gown iisipin ko sa isang mamahaling designer shop mo nakuha yan," impressed na sabi sa akin ni Kowru.

Tiningnan ko naman ang suot kong red gown with matching sequence of fake pwet ng baso crystals na nabili ko sa Divi nung naisipan naming mamasyal duon.

Naengganyo ako dun sa mga sumisigaw at nakanta ng "PASOK MGA SUKI PRESYONG DIVISORIA SAMPU BENTE TRENTA AT IBA PA."

"Nasa nagdadala lang yan!" mayabang kong sabi sa mga sundalo ko na mga nagsitahimik at hindi makaimik, "Aba?! Bakit? Kontra kayo? Ha?" natatawa kong biro sa kanila.

Umiling naman ang isa sa kanila, "It's just that we are scared kasi pag nalaman ni Prince Hoshiro na nagsuot ka ng ganyan ay tyak na magagalit sya."

Napatingin naman ulit ako sa suot ko at medyo napahiya nga ako sa nakita ko. May pagka revealing kasi ung gown.

Bukod sa tube na, backless pa ito at may slit sa magkabilang hita.

Napangiwi naman ako ng maalala ko ang bilin ni Hoshiro na wag akong magsusuot ng revealing na mga damit.

"Wag nyo ako isusumbong kundi isusumbong ko din kayo na mga naglalaro ng moba at nanonood ng koreanovela habang working hours!" banta ko na nagpasaludo naman sa kanilang lahat.

Lumapit si Kowru sa akin na nakatingin sa kanyang relo, "Ambassadress Verna, it's time."

Huminga ako ng malalim at sinensyasan ko ang aking mga sundalo na pumwesto na habang nagsimula na akong umakyat ng stairs papunta sa meeting place namin ng kausap ko.

-0-

"Ang dilim naman dito," bungad sa akin ng matangkad at payat na lalaki na hindi ko halos makita dahil sa sobrang dilim ng silid at tanging ilaw lang ng Manila skyline ang source ng liwanag.

"Oo nga. Sure ka ban a mag wowork ito?" tanong ko sa kanya.

Tumango sya, "Oo, kailangang-kailangan ko talaga nito Verna para bumalik ang init sa aking nanlalamig na katawan," halos pabulong na sabi nya sa akin as he walked in front of me.

Bago pa ako makasagot ay biglang bumukas ang double door ng silid at nakita ko ang silhouette ng isang babae na naka duster at tsinelas wearing a pair of glasses, may pink rollers sa buhok at may karay na bata.

The Sixth GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ