Chapter 10

414 17 3
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa main door kung saan sa likod nito ang grand event hall ng kastilyo ay napatingin ako sa mga higanteng glass window na nalalampasan ko at nag rereflect sa aking kabuuan.

Si Sadako, gumanda!

I chuckled to myself when I remembered my monicker more than a decade ago.

Na kahit sa kapwa ko mga Vasquers ay creepy ako dahil sa mahaba kong buhok na nakatabing lagi sa mga mata ko. Sabog ang ayos at parang hindi nasuklayan ng ilang siglo.

Sure, payat pa rin halos ako hanggang ngayon. Actually namayat pa nga ako ng lagay na ito dahil sa puyat at food deprivation (self inflicted na yung huli dahil tinatamad ako mag consume ng break time ko) dahil sa pagiging call center agent ko.

Pero sa ngayon, hindi kabawasan ang pagkawala ng buong college life na inipon kong bilbil.

As beautiful as my gown and shoes and maybe my hair this night, I have to hand it over to Elesa and Mochabits though.

Ang kahon na shinoot ni Elesa sa bag ko ay hindi simpleng lucky charm.

Kundi isang set ng mamahaling alahas in a form reminding me of the color Mochabits.

Calico o yung pusang tatlo ang kulay.

Earrings, hair ornaments, ring, bracelet, choker at anklet ay kakulay ng balahibo ng pinakamamahal na pusa ng resepsyonista.

Kung suot ko ang mabituing kalangitan ng Hyilliopolis dahil sa damit ko, dala ko naman ang constellation ng pusa sa mga alahas ni Elesa.

Nagtagal din ako sa Maynila ako so alam ko kung ano ang mga alahas na binebenta sa bangketa ng Ermita na nakalubog sa tubig na may kalamansi at ang alahas na naka display sa international stores sa Rustan's so sigurado ako na malaking halaga ang mga ito.

Malaki, in a sense na mahigit isang dekada ko itong pag iipunan sa lagay ng sahod ko ngayon.

At base sa naoverheard ko sa naguusap na mga katrabaho ni Elesa, ilang buwan na lang at bayad na lahat ng utang nya sa credit cards nya. To think na isang maliit lang na parte ito ng "shinies" nya ay nakakamangha to say the least.

We are of the same age at ayon din sa nalaman ko eh sariling sahod niya ang pangtustos niya sa luho nya. At ang sahod nya, judging sa payslip na pinakita niya sa akin ay mas maliit kesa sinasahod ko ngayon.

Katakot takot na overtime ang ginawa ng babae.

Kaya iingatan ko ang alahas na ito dahil bukod sa mahal ay may special meaning pa sa kanya dahil it reminds her of her loveable cat.

Saktong pag liko ko sa pasilyo at pagdating ko sa tapat ng pintuan ay thankfully ay wala na ang mga babaeng kanina ay halos magsaksakan na ng pangkilay at magkalmutan ng mahahang kuko (na may nail arts made of real gold) kaya umatras ako at naghintay na makapasok sila isa-isa.

Sakto ang timing ko ngayon at ako na lang ang naghihintay sa labas.

Within a few minutes ay bubukas ito, sasayaw ako, kakain ng masarap(syempre), picturan, daldalan ng kauntian at uwian na.

"Lucky for you those girls are all gone."

Nagtindigan lahat ng balahibo ko sa katawan at nanlamig ako sa nakinig ko. Mas malamig pa sa hampas ng hangin ng Riksent ang naramdaman ko.

Alam nyo ung moment na iirit ka na ng sobrang lakas pero na stuck sa malaking bukol sa lalamunan mo ung boses mo sa takot?

Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

The Sixth GirlDove le storie prendono vita. Scoprilo ora