Chapter 7

334 11 1
                                    

"Hindi pa ba o.a ang hitsura ko bruha? Baka mukha na akong clown sa tagal ng pagme-make-up mo!" angal niya sa best friend na sinisiguradong maganda ang kanyang mukha at buhok.

Lumabas ng maaga silang tatlo para makapaghanda. Kailangan daw ay sya daw ang pinakamagandang babae sa party kaya sineseryoso ng mga ito ang pagpapaganda sa kanya.

Si Sierra ang nag-make-up sa kanya at nag-ayos ng kanyang buhok samantalang pedicure, manicure at sa damit naman nakatoka ang ate nya.

"Hindi! Hindi naman makapal ang make-up ko sa iyo. Actually inemphasize ko ang assets ng mukha mo kaysa patungan ng kung ano-ano. Eyes, nose and lips. Grabe ang ganda mo Mystina! Mag-make-up ka kaya lagi sa work?!" exited na sabi ni Sierra sa kanya sabay bigay ng salamin.

Napamangha si Mystina ng makita ang kanyang sarili sa salamin. Lalong lumantik ang kanyang mga pilik-mata ng malagyan ng mascara. Na-emphasize ng pitch black eyeliners ang kanyang grayish-black eyes at gumanda ang kanyang ilong ng mapatungan ng light foundation. Pinkish red ang kanyang kissable lips. Ang ganda talaga nya! Magdidiwang ang mommy at duncle nya pag nakita sya ng mga ito.

"Ayusin mo ang lakad mo ha? Dapat sa may hangin ka lagi tumapat ng mapalad ang buhok mo," paalala sa kanya ng ate Stellar nya sabay ayos sa aking buhok, "Straight body at be yourself,"

"Pwede ko ba talagang isuot itong black gown mo? Favorite mo ito diba?" nagda-dalwang isip siya ng ipasuot sa kanya nito ang regalo ng Ninang Sherri nila sa kapatid niya.

Ngumiti ito at tumango, "Hindi ko masyadong nairampa ang gown na yan noong fourth year tayo. Naiwan mo pati yung bigay sa iyo ni Ninang Hazel sa Lucena kaya eto na lang sa akin ang gamitin mo,"

"Tamang-tama at bagay ang halatang mamahalin na gown mo sa Hermes pouch ko!" exited na sabi ni Sierra ng ipahawak sa kanya ang "don't-ask-the-price" na pouch nito galing New York.

Lumayo itong dalawa sa kanya para pagmasdan syang mabuti. Tumango tango ang mga ito at nagbulungan.

"What do you think?" kabang tanong nya sa mga ito.

"We think... it's mango from Guimaras!" sabi ni Sierra.

"Sira ka talaga!"

Tumawa ito at nag jump for joy, "Ang ganda mo bruha! Ikaw ang pinakamagandang waitress dito sa Manila!"

"Mas maganda talaga sa akin yan Sierra. Actually sya ang pinakamaganda sa ating tatlo," sabi naman ng ate nya na pumalakpak.

Nakahinga naman sya ng maluwag at tumingin sa salamin. Ang ganda nga nya salamat sa kanyang best friend at ate.

Biglang may bumusinang sasakyan at napapitlag silang tatlo.

Dali-dali syang pinagbuksan ng pinto ng ate nya.

"See you later girls! Wish me luck!"

-0-

Sa isang en grandeng hotel sya dinala ng driver ni Renz. As expected, overloaded ito sa yaman. Mantakin mong Chevrolet Maximus ang sasakyang sumundo sa kanya?

"Kuya salamat sa abala ha? Bisita ka naman sa Café namin mga minsan!" sabi nya sa driver.

"Yung Café Restoderia po ba ma'am?"

"Oo kuya! Waitress ako doon! Sige ha?! See you there!" paalam nya dito ng bumaba na sya sa sasakyan.

Bonggang-bongga ang venue! Red carpet ang nilalakaran nya ngayon.

Biglang may humarang sa kanyang mga reporters at cameramen. Laking gulat nya na parang naka-live telecast ata sya. Kapamilya, Kapatid, Kapuso at Kabarkada ang ilan lamang sa mga logo ng microphone na nakita nya.

The Sixth GirlWo Geschichten leben. Entdecke jetzt