Chapter 4

436 18 9
                                    


Bakit nga ba ako nagugulat pa?

As I sat down sa tabi ni Elesa sa reception area ay hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa lugar na pinagdausan ng second part ng selebrasyon.

Nakapalibot sa gilid ng pabilog na dance area ang mga lamesa samantalang sila Adeng at Daniel naman ay nasa isang elevated platform naka pwesto direct north ng lugar.

We are all eating with at least a hundred of guests under the open air and surrounded by trees and fireflies.

Iniilawan kami ng hindi mabilang na maliliit na mga lampara at nag eenjoy sa saliw ng orchestra.

Ngayon lang namin napuna nila Torri na karamihan para sa mga bisita dito eh mga negosyante o mga matataas ang katungkulan sa Akimrea.

Ang kapatid na lalaki at nanay lang ni Adeng ang confirmed kong inimbita niya sa side niya maliban sa aming mga katrabaho niya.

Pero kahit nandito din ang halos buong account agents ng Akimrean Swift, kakaunti pa rin kami kumpara sa mga mukhang importanteng tao sa side ni Daniel.

"Okay, na curious na talaga ako. Ano ba talaga trabaho niyang si Daniel," bulong ko kila Elesa, Torri at Summer na tulad ko ay kain lang ng kain, "Alam ko mas mataas pa sa building ng Consitechland ang credit limit kung may limit pa nga ang credit card nya. Pero di ako authorized I access ang personal info niya o source of income," tanong ko sa kanila.

Nagtinginan kami nila Elesa at Torri kay Summer na umubo ng kaunti at uminom ng tubig bago sumagot, "Okay fine. Manager access ako so ako sasagot ganoon?" tumango kami at napailing na lang ito bago napatingin sa bagong kasal na nagsasayaw na ngayon paikot sa bonfire habang nilalagyan ng mga alahas ang pouch na nakasabit sa lalaki, "Daniel Reid is from one of the most prominent and wealthy clans of the Kingdom of Akimrea. If Crown Prince Hoshiro's Utsuwa Clan holds the communications sector, The Reid Clan controls the infrastructures sector of the kingdom. Actually most if not all buildings here are made by their clan or in one way or another, involved in the construction kaya ganyan na lang kadami ang mga negosyante sa paligid."

"So this wedding's second purpose is to attract business partners?" hula ni Elesa sabay subo ng saging na saba na may chocolate syrup.

Tumango tango naman si Summer bago napakaway kaming apat kay Adeng na nag wawave sa amin.

"That and big deal na may isang Hyillian na makakasal sa isang myembro ng alta sociedad ng Akimrea. It's not everyday or even every decades na may isang Hyillian na makakapangasawa ng someone from the Kingdom's elites," sunod naman ni Torri.

Napatingin si Summer kay Hoshiro na seryosong kausap si High Priestess Yella sa kabilang side ng area, "If I'm not mistaken, ang huling prominent wedding between a Hyillian and Akimrean elites ay yung sa mga magulang ni Hoshiro. Yung nanay niya ay Reyna ng Akimrea habang isang government employee ang tatay niya."

"Naaalala ko pa kwento ng lola ko. Katakot takot na handaan ang nangyari. Imagine, a first after several centuries, may Hyillian na nakapangasawa ulit ng isang royalty, much less, head of kingdom pa kaya daw walang pakundangan ang month long celebration ng Hyillia at Akimrea," sunod naman ni Elesa na ang rice cake naman ang tinitira ngayon.

Napatango na lang ako.

Akala ko basta lang neighboring country ang tratuhan ng Hyilia at Akimrea. Turns out they are tied with blood also.

"Nga pala, Ambasadora ka pala! Wala kami kaalam alam hah?" taas kilay na sabi sa akin ni Torri.

Umiling naman ako sabay inom ng wine, "Nako sa pangalan lang. Believe me sa pangalan lang. Anyways, kilala nyo ung mga bagong dating?" sabi ko sa mga kasama ko sabay turo sa isang grupo ng mga lalaki na kakarating lang at dumeretso kila Adeng at Daniel.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now