Chapter 7

263 20 6
                                    

"Oh kain lang kayong dalwa ha? Wag kayo mahihiya. Sige lang," masayang utos sa amin ni Tita Polli na magiliw na naglalapag ng kung ano ano pang ulam sa lamesa.

Mukhang hindi na kailangang pilitin si Kowru dahil derederetso ito sa pagsubo ng kanin at estofado na niluto ng aming tinutuluyan.

Tinanguan ako ni Tita Polli at itinuro ang pinuno nyang plato sa harapan ko, "Verna kainin mo yan hah? Vasque ang nagpalamon sa akin nung nasa V.U ako nung wala kaming sariling cafeteria. Kaya naging panata ko na busugin ang kahit sinong Vasque na mapunta sa bahay na ito. Either sila Mannaflora at ang mga anak nya pag nabisita dito o ang mga Vasquer na nakakasalubong ko sa mga restaurant."

"Sige Tita Polli. Mukhang masarap," sangayon ko naman sabay subo at hindi nga ako nagkamali.

Masarap nga.

Hindi masarap na tulad ng mga mamahaling pagkaing nakakain ko. Pero masarap na alam mong isang nanay ang nagpakahirap magluto.

Derederetso lang si Kowru ng kain dahil gaya ko, ngayon lang kami ulit nakakain ng homecooked meals.

"Ok ba ang lasa, Verna?" alalang tanong ni Tita Polli sa akin, "Aaminin ko medyo kinulangan ko sa asin dahil matakaw masyado sa alat si Sherro."

"Naku ok na ok lang Tita. Masarap. Sobrang tagal ko na di nakakatikim ng gantong lutong bahay," sagot ko sabay subo ulit.

Totoo.

Nakakatakam lalo na at sa bahay ka nakain.

As in sa normal na bahay.

Hindi sa dormitory. Hindi sa cafeteria o sa grand dining hall nila Hoshiro at Yishein. Sa isang tunay na bahay na may anak na bata at nanay na naka duster lang.

Nobody and nothing can replicate this kind of feeling na nagpapasarap sa isang simpleng lutong bahay.

Habang patuloy kami sa pagkain ay masaya kong tinitingnan kung paano tinutulungang kumain ni Tita Polli si Sherro na mukhang nagsisimula pa lang na humawak ng kutsara at tinidor.

"Tita Polli, nasaan ung iba mong mga anak? Diba walo lahat sila?" biglang sangat na tanong ni Kowru na hindi pa tapos ngumuya.

Napakurap ang maybahay at napatawa sa tanong, "Naku ung iba nasa trabaho, ung iba nasa Versalia at ung pangalwa ko sa bunso, kasama nung tatay nila at pinapasyal sa bayan. Mahilig pumunta sa simbahan si Brittany eh."

"Ako rin nanay! Gusto ko sa simbahan! Gusto ko mag pari!" proud na sabat ni Sherro na may kanin pa sa pisngi.

Napatawa si Kowru at hindi napigilang guluhin ang buhok ng bata na nakaupo sa hita ng ina.

"Aba seryoso ka na dyan" tanong nito sa anak ni Tita Polli na mabilis tumango.

"Oo! Gaya ni Tito Folcurt!"

Napataas naman kilay ko in amazement.

Lalayo pa nga ba ang bata sa pag mamanahan kung ang mismong tiyuhin nya ay ang Bishop ng Versalia at isa sa pinaka if not the most influencial priest in the Philippines.

Not to mention one of the most "sin inducing" priest there is. Naalala ko na laging jampacked ang mga misa nito sa Versalia dahil sa gandang lalaki nito na hanggang ngayon ay wrongfully but understandably pinaglalawayan ng mga schoolmates ko noon.

Can't blame them though...

I have to admit that even I have a crush on him when I was young. Napakagwapo ba naman at ang ganda ng pangangatawan.

"Naku mukhang gaya ng sinundan nya eh sa pulpito ng simbahan pupulutin ang batang ito," naiiling na sabi ni Polli sabay subo ulit ng pagkain sa anak na derederetso sa pagkwekwento kung gaano kagaling at kacool ng Tito nya sa amin ni Kowru.

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now