Rising Waves

275 16 2
                                    

Day of the Elections...

Gaya ng nangyayari sa Pilipinas sa araw na ito ay ganun din ang nangyayari ngayon sa loob ng embahada ng Hyillia at Akimrea.

All hell breaks loose.

Napakagulo, napakaingay at literal na nagliliparan ang mga papel sa ere ng walang tigil. Fax machines printing out papers non-stop. Mga empleyadong naghahalungkat ng mga salansan ng files ng walang tigil at walang pakundangan kung saan nila itatapon ang mga papel na hindi nila kailangan.

Kahit ang mga suot nila ay hindi na nila inisip kung appropriate pa ba o hindi na.

Ang iba naka suit pero naka pajama sa ibaba. Ang iba yapak na nagtatakbo dala-dala ang mga servers samantalang ang mga babae ay hindi na inabalang magsuklay o magtuyo ng buhok dahil sobrang busy sa pagdodouble check ng data sa computers o pag tawag sa mga field agents namin na nagkalat ngayon sa mga voting precincts.

Kahit ako ay hindi na nag-abalang magayos o magsuot ng pormal na damit. Basa pa din at natulo pa nga ang aking buhok na di ko na din tinuyo dahil sayang ang oras at nakapambahay lang ako habang pilit kong hinahanap kung saan ko naipatong yung papeles na kailangan ni Maggie for double checking.

"Ambassadress?"

"Ano Kowru? Pakibilisan at hindi ko pa mahanap kung saan ko naisangat yung papel na hawak ko lang kahapon," mabilis na sabi ko sa batang gwardya ko na kita ko ang anino na nakataklob sa akin habang nakasalampak ako sa sahig at iniisa-isang kapain at tingnan isa-isa ang nag halo-halo nang mga papel sa aking harapan.

"Ambassadress nagsisimula ang botohan, I advice na iwan mo na yan sa ibang empleyado," matigas na utos nito sa akin na nagpatigil sa aking paghahalungkat.

Napatingala ako sa expressionless kong gwardya at napakunot ang noo, "And who are you to order me that?" maanghang kong tanong dito.

This boy is very close to me but this time, he is clearly overstepping his boundary.

"She is there to observe the elections not to lay on the floor at magsalansan ng mga papeles," malamig bordering robotic na wika nito and I don't even need to ask kung saan nanggaling ang mga katagang iyon.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa sahig at nakita ko si Maggie kasama ang ilang sundalo na nagvolunteer na maghanap para sa akin.

"Kailan sya tumawag?" inis na tanong ko sa binatilyong naglalakad sa unahan ko.

"Actually sa sobrang distracted mo, Ambassadress hindi mo ata nahalatang ilang minuto na syang nagmimisscall sa cell phone mo," sagot nito sa akin.

Kinapa ko naman ang fone ko sa aking bulsa at napangiwi ako ng makita ko ang lampas fifty missed calls at messages ni Hoshiro sa akin.

"Alam na alam naman nya na this is a very important and demanding day, ano pa ba ineexpect nya? Nakahilata ako at nagkakape?" galit na sagot ko kay Kowru na napamaang sa akin sabay lingon kay Doreen na kasukasunod namin na nagsusulat ng pinaguusapan namin.

Napatigil sa paglalakad ang aking gwardya at hinarap ako, "Are you sure you wanted that to be written in the record?"

"Wait Doreen. Wag mo ilagay, please," pakiusap ko sa aking empleyado na mabilis ginurihan ang aking huling sinabi, "Masyado lang ako stressed and pressured but that's not even a valid excuse so just remove it dahil utos ko hindi sa dahil may kwenta ung dahilan ko."

Napakurap ang babae sa akin bago mabilis na ginurihan ang mga huling katagang binitawan ko kani-kanina lang at alalang umimik sa akin, "Ambassadress, you're not looking good. Magpahinga ka kaya muna?"

The Sixth GirlWhere stories live. Discover now