Chapter ♥ 43

2K 76 47
                                    

Blaire POV

Nakarating ako sa silid aralan at nakita kong nakaupo na ang lahat ng kaibigan ko. Agad silang ngumiti sa akin, maliban kay Four na deretso lang ang tingin sa labas ng bintana at si Divine naman ay ngiting ngiti sa kanyang tabi. Umupo ako sa likod nilang lahat, buti may isang nakalaan na silya para sa akin. Maya maya dumating naman ang unang guro namin. Agad namang nagsimula ang klase at ang tinalakay niya ay ang iba't ibang kapangyarihan. Di na ako nakinig dahil nakatuon lang ang atensyon ko kay Aubrey. Kating kati na akong kausapin siya dahil takot ako na baka mahuli ang lahat.

Mahaba ang oras namin sa unang asignatura kaya nakapag practice pa kaming sanayin ang mga kapangyarihan. Wala ako sa konsentrasyon dahil madaming bumabagabag sa aking isipan. Laking ginhawa ko dahil natapos na ang unang klase kaya lumabas na kami para makapag tanghalian. Nauna silang Four at ni Divine kaya kampante lang akong sumama sa barkada. Siguro mamaya ko nalang kausapin si Aubrey. Nakarating kami ng kapiterya at tumambad naman sa amin ang mga studyanteng nagsikain at nagsipila sa counter. Nilibot ko ang paningin at nakita kong nakapila din si Four ngunit di ko nakita si Divine. Hinila naman ako nilang Aubrey sa lamesang kinakainan namin noon. Uupo na sana ako nang may biglang pumigil sa akin.

"This is mine" mataray sabi ni Divine. Saan siya galing? Kanina wala siya sa paningin ko tapos ngayon andito na. Walang emosyon ko siyang nilingon.

"Madali akong kausap" malamig kong sabi. Inismiran naman niya ako sabay paypay niya sa sarili gamit ang kanyang kamay. Hihilain ko na sana ang pangatlong upuan nang nagsalita na naman siya.

"Akin din yan" humugot ako ng hininga saka siya nilingon muli. Ano namang gawin niya sa isa pang upuan?

"Isa lang ang katawan mo kaya sapat na din sayo ang isa" kalmado kong sabi pero ang totoo malapit na akong mawalan ng pasensiya. Narinig ko naman ang hagikhik ng mga kaibigan ko. Nanlilisik naman ang kanyang mga mata sa inis.

Tutuloy na sana ako sa pagupo nang hinablot niya ang aking braso.

"You bitch! Pagsinabi kong akin yan, akin!" galit niyang sigaw sa akin. Naagaw naman lahat ng atensyon ng ibang mag-aaral at nagsimula narin silang nagbulong bulungan. Walang emosyon ko lang siyang tiningnan.

"Alam mo? Alam mo ba kung gaano ako nanggigigil sayo?" dugtong niya habang dinuduro ako.

"Malamang hindi" walang gana kong tugon sa kanya. Wag mo lang talagang ubusin pasensya ko Divine. Mas lalo siyang nainis dahil sa pamimilosopo ko.

"Huh! Di mo alam? Nanggigigil ako sayo dahil mang-aagaw ka!" singhal niya at nangunot naman ang noo ko.

Anong inagaw ko sayo? Gusto ko iyung itanong sa kanya ngunit mas pinili kong tumahimik.

"Inagaw mo si love sa akin! Kung hindi ka dumating sa buhay niya, mamahalin niya sana ako ngayon ng buong buo! Pero nang dumating na ako pilit mo parin siyang agawin at ilayo sa akin! Tapos ngayon dumating kana naman, sana di kana pinanganak" galit na galit niyang sigaw sa akin. Gusto ko namang matawa dahil sa pagiging desperada niya. Di ko akalain na may hinanakit din pala siya sa pag-ibig. Kung ganun hindi siya minahal ni Four ng buong buo? Ngunit bakit? Nakatatakda silang dalawa magsama at maaring sa una palang nilang pagkikita mararamdaman na nila ang pagmamahal sa isa't isa.

"Wala akong inagaw sayo Divine, imahenasyon mo lang yan" kalmado kong sabi.

"Divine, tigilan muna si Blaire" pakiusap nilang Scarllet pero hindi parin ito nakinig.

"Sinungaling! Palibhasa napakalandi mo, kaya naakit si love sayo. Pero ngayon, wala ng ni isang natitirang pagmamahal niya para sayo. Kaya kahit hindi niya ako lubos mahal ngayon, mamahalin din niya ako ng lubos pag tagal" desperada niyang sabi. Tumaas naman ang sulok ng labi ko dahil dun. Lumabas din ang tunay niyang ugali. Sinabi ko na nga bang peke lahat ang ipinapakita niya sa akin.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon