Chapter ♥ 27

2.1K 73 35
                                    

Blaire POV

Pagpasok namin ay sinalubong naman kami ng nakakabinging katahimikan. Nilibot ko ang paningin at makikita mong delikado ang lugar na ito. Di naman siya masyadong nakakatakot kung tutuusin. Kung titingnan mo ito ay parang nakakagaan ng kalooban ngunit di mo parin maiwasang mangamba. Mas mahirap ito dahil wala kang ideya kung anong mga nilalang ang naninirahan dito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tinalasan ko ang pakiramdam, paningin at pandinig. Napakatahimik ng mga kasama ko at siguro'y parehas lang din kaming iniisip. Agad akong naglibot nang paningin nang may narinig akong kaluskos. Huminto ako at hindi nila iyun namalayan dahil nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

Tinalasan ko ang paningin at nangunot nalang ang aking noo nang may nahagilap akong katawan ng puno na dahan-dahang natutubuan ng mga matulis na kahoy. Agad akong napalingon sa kanan at nakita ko ang iilang puno'y mabilis natutubuan din ng mga matutulis na kahoy sa katawan. Kung itong tatama sa iyo ay mamatay ka talaga. Agad akong napatingin sa mga kaibigan ko at nagsimulang tumakbo.

"Takbo!" sigaw ko habang tumatakbo kaya napalingon naman sila sa akin.

Taka ang rumehistro sa kanilang mga mukha ngunit agad ding napalitan ng gulat. Napalingon ako sa aking likod at nanlaki ang aking mga mata dahil bawat nadadaanan kong puno ay natutubuan ng matutulis na kahoy.

"Kyaahhhhh!" tili ng mga kasahaman kong babae at agad itong kumaripas sa pagtakbo. Sumunod naman ang mga lalaki.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at agad akong napatiad nang may matutulis na kahoy na humarang sa aking dinadaanan. Dali-dali akong sumuong at nagpatuloy sa pagtakbo. Anong klaseng mga punong ito?

Nilabas ko ang aking espada at agad tinabak ang nasa harapan kong kahoy. Agad akong nagtambling nang may humarang na naman sa aking harapan.

Nakita kong naglabas ng vines si Scarllet at pinakapit niya sa itaas ng puno. Agad siyang nagduyan sa ere at naglanding naman siya sa unahan.

Agad akong napalingon sa gilid at nakita ko ang isang malaking agila na lumilipad. Patungo ito kay Lucy at agad siya nitong tinangay ngunit mababa lamang ang nililiparan nito.

Nakita kong lumipad si Aubrey sa itaas at nanlaki ang aking mga mata dahil mas lalong naging nanganganib ang kanyang buhay. Mas maraming tumubo sa itaas na parang wala kanang madadaanan. Wala sa sarili akong nagtaas ng kamay habang tumatakbo. Napaawang ang aking bibig nang nakapaglabas ako ng vines at agad itong kumapit sa isang paa ni Aubrey. Walang pag-aatubili ko siya hinila pababa at agad kong pinaglaho ang mga vines. Pabagsak siya ngayon kaya ginamit ko ang kapangyarihan kong hangin at sinalo siya. Nakalapag naman siya ng maayos at agad itong naglibot ng tingin. Agad akong nagkunwaring walang ginawa habang umiilag sa mga matutulis na kahoy. Laking pasasalamat ko rin dahil abala ang lahat.

Bakit nagawa ko ang mga ito?

Napatingin naman ako kay Sophie nang agad niyang ginawang yelo ang lupang dadaanan niya at nagpadulas siya kaagad doon dahil nahaharangan na siya ng matutulis na kahoy.

Nagpalabas si Four ng kanyang espadang nagliliyab at agad pinag tabak ang mga humaharang sa kanya habang tumatakbo. Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang agad niyang hinagis ang kanyang espada sa aking gawi. Napapikit ako at inantay nalang na may tatama sa akin.

"Let's get hurry" nagbukas ako ng mga mata nang narinig ko ang boses na iyun. Tumambad naman sa akin ang mukha ni Four kaya napalunok naman ako. May hinugot siya sa gilid ko kaya napatingin ako doon. Kinuha niya ang kanyang espadang nakataga sa kahoy na ngayon ay putol na ang kalahati nito. 

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nagkamali pala ako sa aking iniisip.

"Run!" saad niya sakin at nabalik naman ako sa kasalukuyan. Tumakbo siya kaya tumakbo narin ako. Nakita ko ang iba na pinag tabak ang mga matutulis na kahoy na humaharang sa kanila, ganun din ang ginagawa ko habang tumatakbo. 

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon