Chapter ♥ 53

2.3K 93 135
                                    

A/N: I dedicate this chapter to Blissfully_Blueee

Sorry kasi di talaga ako makadedicate in proper. I tried pero di talaga pwede, di din kasi laptop gamit ko and I know pwede sa phone lang at sa chrome ka kailangan mag log in pero ayaw talaga eh di naman kasi updated yung wattpad ko, please don't get dissapointed.

Blaire POV

Sa wakas nakabalik narin kami ng akademya. Pagdating namin ay mainit kaming sinalubong ng mga estudyante at mga konseho. Binati kami dahil natagumpayan namin ang misyon. Mabuti naman daw ang kalagayan nila sa mga panahon na wala kami. Nagtaka nga ang mga estudyante na kung bakit kasama namin si Josh ngunit hindi iyun pinagtuunan ng pansin ng mga konseho kaya nabaliwala nalang. Wala si HM dahil may inaasikaso ito, hindi ko alam kung ano. Pagkatapos nun agad kaming dumeretso sa dormitoryo namin dahil sa pagod at si Josh naman sa dormitoryo din niya. Halos dalawang linggo kaming naglakbay at nakikipagsapalaran sa iba't ibang nayon ng mga kaharian kaya nangangailangan na naming magpahinga. Pumasok ako sa aking silid at sinuri ito. I miss my room so damn much.

Pumunta ako sa paanan ng aking kama at ibinuka ang mga braso. Binagsak ko ang aking sarili sa malambot kong higaan habang nakapikit. Nagpahinga ako ng ilang minuto saka pumasok sa silid paliguan at naligo dahil nakaramdam narin ako ng pangangati sa katawan. Agad naman akong natapos at dahil gusto ko na komportableng damit ay nagsuot ako ng nightdress na kulay pula. Lumantad naman ang maputi kong balat. Sinuklay ko ang aking mahabang buhok pagkatapos lumabas ng silid. Nagutom ako dahil makulimlim narin.

Pagdating ko sa silid kainan ay nadatnan ko si Four na umiinom ng tubig sa ref. Napalunok ako, gusto kong bumalik nalang sa aking silid lalo na't dahil sa suot ko ngayon. Para akong napako sa aking kinatatayuan nang lumingon ito sa aking gawi kaya wala narin akong takas pa. Napatitig naman siya sa kabuuan ko kaya halos bumigay ang mga tuhod ko. Kitang kita ko ang paglunok niya. Pilit kong nilakasan ang loob at nagsimulang humakbang papalapit sa kanya.

Huminto ako sa kanyang harapan at pilit wag pansinin ang malalagkit niyang tingin. Sumiksik ako sa kanyang harapan at umatras naman siya ng kaunti. Bakit naman kaunti lang? Hindi ba pwedeng aalis siya? Pambihira. Nananalangin nalang ako na wag matumba sa harapan niya. Yumuko ako at binuksan ang ref. Wala sa sarili akong naghanap kong ano ang pwede kong makain. Una kong nakita ang isang Icecream kaya agad ko ito kinuha dahil gusto ko na talagang lumayas dito.

"Aaayyyy!" napatili ako nang may biglang lumapat sa aking puwetan kaya wala sa oras akong tumuwid sa pagkakatayo.

Nahugot ko ang aking hininga kasabay ng paglaki ng aking mga mata nang naramdaman ko ang mainit na katawan ni Four na lumapat sa aking likod. Agad nanayo ang mga balahibo ko dahil ramdam ko ang pag-amoy niya sa aking bandang tenga. Napabuga ako ng hininga sa gulat nang marahan niyang pinisil ang beywang ko. Ano bang ginagawa ng lalaking ito?

"You have no idea how gorgeous you are tonight. Wearing this kind of dress is really make me fucking hard Threes" natuod ako dahil sa bulong niya ngunit napaigtad ako nang hinila niya ang strap ng damit ko at marahas binitawan kaya nagkaroon iyun ng tunog nang dumikit ito sa aking balat.

Halos mabingi ako dahil sa lakas ng tibok ng aking puso lalo na't marahan niyang dinilaan ang tenga ko. Agad ko siyang naitulak dahil sa kaba at walang lingon lingon akong naglakad palayo sa kanya. Ano bang napasok sa kokote niya para gawin yun sa akin? Ang halay.

Pagbalik ko sa loob ng silid ay agad kong sinarado ang pinto. Napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba. Aaminin kong nanginit ang aking katawan kanina at halos bumigay na ako. Mabuting nagawa ko paring tumakas sa kahalayan niya. Napakagat ako ng iibang labi dahil hindi man lang ako nakadala ng kutsara. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Pumunta ako sa maliit na study table at ipinatong ang mga paa sa upuan. Sa tingin ko'y hindi ako ngayon makatulog agad. Gumawa ako ng kutsara gamit ang kapangyarihan ko, pagkatapos agad kong nilantakan ang Icecream. Napatingin naman ako sa mga libro sa aking harapan habang tinunaw ang Icecream na nasa aking bibig. Itinabi ko muna ang hawak ko at tiningnan ang mga libro. Naagaw ang aking atensyon sa libro na "Gods and Goddesses".

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon