Epilogue

3.4K 105 132
                                    

A/N: I dedicate this chapter to _Wixard (try to check her work, it's fantasy) anyway, I also dedicate this chapter to all my babies/readers

Blaire POV

Nagkaroon ng malaking piging ang bawat kaharian at dinala ako ni Four sa kaharian nila.

Andito ako sa balkonahe at tanaw na tanaw ko ang mga tao sa nayon na nagsayawan sa saya. Napangiti ako nang may mainit na bisig ang yumakap sa akin.

"Why you're still here? It's cold" mahina at malambing sabi ni Four. Hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata, pagkatapos ngumiti.

"Sumama ka sa akin, may surprise ako sayo" nakangiti kong sabi. Nangunot naman ang noo niya pero sa huli ay ngumiti rin.

"And what kind of surprise is that?" kuryusidad niyang tanong habang nakangiti. Ngumisi lang ako at hinawakan ang kamay niya. Agad akong nag teleport papuntang Ogygia kasama siya.

Tumambad naman sa amin ang nagiilaw na paligid dahil sa daming alitaptap at mga fairies. Tiningnan ko ang reaksyon ni Four at nakita ko ang pagawang ng kanyang bibig. Napangiti ako at marahan kong hinila ang kamay niya. Naglakad kami papunta sa isang malaking puno kung saan ang munting bahay namin ni Auntie.

"Auntie!" tawag ko sa kanya at nag teleport kami sa itaas.

Narinig naman namin ang kanta ni Auntie at nakita ko siyang nakatalikod na parang may kinarga.

"Auntie" nakangiti kong tawag sa kanya. Napatigil siya sa pagkanta at nilingon niya kami na may matamis na ngiti. Halos maiyak ako sa saya dahil sa munting sanggol na karga niya.

"Mabuti't andito na kayo, kanina pa siya naghahanap ng Ina at Ama" nakangiting sabi niya at maingat niyang binigay sa akin si baby. Tiningnan ko ito at umalis naman si Auntie. Ang gwapo niya at ang cute, paniguradong maraming magkandarapang babae dito paglaki. Oo, lalaki ang anak namin ni Four. Madali siyang lumaki sa loob ng mahiwagang bulaklak kaya maaga din itong bumuka.

"A-anong ibig sabihin nu'ng babae?" bahagyang nautal si Four kaya napatawa nalang ako ng mahina. Hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata. Puno ng katanungan ang mga yun. Nakita ko din ang paglunok niya.

"Tingnan mo siya, ang gwapo diba?" sabi ko at pinatingin sa kanya si baby. Dahan dahan niya itong tiningnan. Titig na titig siya dito at agad tumingin sa akin. Nakita ko ang kunting saya at lungkot sa mga mata niya.

"Who's the parents?" kuryusidad niyang tanong at tiningnan muli si baby. Kinagat ko ang labi para hindi matawa.

"Look carefully, parang kahawig ko diba? Kahawig mo rin" parang nahihiwagaan kong sabi. Nangunot ang noo niya at inilapit niya ang mukha kay baby para suriin ito.

"You're right, manang-mana__" di niya natapos ang pag salita dahil napatanga nalang siya bigla. Hinarap niya ako na may naguguluhang mga mata ngunit may pananabik iyun. Ngumiti ako sa kanya.

"Four, hindi mo napatay ang anak natin. Buhay siya at siya itong karga ko" nakangiting sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at kumurap-kurap. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa akin at sa anak namin. Nakita ko ang pagtulo ng kanyang mga luha ngunit dahil iyun sa saya.

"Goodness Threes" naiiyak usal niya at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Hey hey easy, maipit si baby" saway ko sa kanya at agad naman siyang natauhan. Agad siyang lumayo at tiningnan ang anak namin na may masayang mga mata.

Nakangiti kong ibinagay sa kanya si baby at maingat naman niya itong kinarga. Nagbagsakan muli ang kanyang mga luha kaya nahawa nalang ako. Nakangiti niya akong tiningnan habang may nagbabadyang mga luha at agad akong ginawaran ng halik.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon