Chapter ♥ 14

2.4K 112 35
                                    

Lucy POV

Nagising ako dahil init ng aking katawan, na parang may nakadikit sakin at iyun ang dahilan ng naramdaman ko ngayon. Napangiwi ako nang ako'y gumalaw, parang mabiyak ang aking ulo dahil sa sakit. Bakit ang sakit?Agad nanlaki ang aking mga mata nang may naalala ako.

Ohmyghod! Nakakahiya ka Lucy! Nanggulo ka, ang tanga-tanga mo talaga! Paano nato? Paano na! I think kaylangan kong magsosorry sa kanila huhuhu the heck, you're being stupid again Lucy halos maiyak ako sa mga kahihiyang naalala ko.

Akmang babangon na sana ako ay agad naman akong napabalik sa pagkakahiga nang may kung anong nakaharang sa katawan ko. Dahan-dahan akong lumingon pakaliwa at laking gulat ko dahil katabi ko ngayon si Parker.

"Aaaahhhhhhh!" di ko napigilan ang sumigaw sa gulat dahilan ng pagkagising ni Parker. Agad akong napatingin sa kisame at pumikit na lamang dahil parang gusto ng bumagsak ang mga luha ko.

Oh no, no! Huhuhuhu may nangyari ba samin? Wala na, wala na ang virginity ko! Huhuhuhu bakit ang lupit ng tadhana!

"Ang ingay mo naman baby" agad akong napadilat at marahas ko siyang binalingan ng tingin.

"Ikaw! Walang hiya ka!" dahil sa galit ko ay naitulak ko siya at bumagsak naman siya sa sahig.

"Fuck! Damn it, ang sakit" daing niya at dahan-dahan naman siyang tumayo habang hawak ang likod niya at namimilipit ito sa sakit.

Agad akong sumiksik sa head board ng kama at kinumutan ang sarili.

"Ikaw! Napakawalang hiya mo! Sinamantala mo ang kalasingan ko! Kinuha mo ang pagkababae ko! Huhuhuhu pinagkakaingatan ko yun huhuhuhu walang hiya ka" hindi kona napigilan ang sariling umiyak dahil sa sakit ng naramdaman ko ngayon.

Agad akong nagpahid ng mga luha nang tumawa lang ito. Pinukulan ko naman siya ng masasamang tingin.

"Anong tawa tawa mo jan?" galit at humihingos kong tanong sa kanya.

"Silly, It's not what you think baby. Wala akong kinuha sayo hmmm maliban nalang sa halik mo" piylong sabi niya, agad naman akong kumuha ng unan at hinampas sa mukha niya.

"Anong halik? Huyy Parker! Walang halik nangyari sa'tin!" hasik ko sa kanya at tumawa lang siya kaya mas lalo lamang akong nainis.

"Really? Sa pagkakalala ko ay dama dama mo ang halik ng pinagsaluhan natin" nanlaki naman ang mga mata ko at agad akong napahawak sa mga labi ko. Nanayo ang mga balahibo ko dahil sa pandidiri saking sarili.

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Agad akong napatili at nagtago sa ilalim ng kumot.

Nakakahiya! Totoo nga Huhuhuhu yung first kiss ko!

"Hahahaha hey baby, wag kanang mahiya. Ako lang naman ito pft" tawang-tawa sabi niya. Gusto ko naman itong patayin dahil sa pag-angkin ng unang halik ko.

Agad akong napabalikwas sa pagkakadapa nang may kumatok sa pintuan.

"Hey Lucy! Lumabas kana jan, may gagawin tayo!" sigaw ng boses sa labas ng kwarto ko at si Scarllet iyun. Napatingin naman ako kay Parker ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin.

Blaire POV

Nagising ako dahil sinag ng araw na nagmula sa bintana. Bumangon ako at napahawak nalang ako sa ulo dahil kumirot ito. Parang nanghihina din ang buong katawan ko at para akong nahihilo. Napaisip naman ako kung bakit ko ito naramdaman. May mga ihame at pangyayaring lumitaw sa isipan ko, kaya pala sumakit ang ulo ko dahil sa kalasingan ko kahapon. Agad nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko ang mga kabaliwang nagawa ko kahapon. Napahawak ako sa magkabilaang pisngi dahil sa hiya at piniling-piling ang ulo.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon