Chapter ♥ 6

3.2K 150 77
                                    

Blaire POV

Agad nila kaming niyayang kumain dahil sila din ay hindi pa din nakakain sa kakaantay samin. Pagkatapos ay agad akong pumasok ng silid para makapagligo. Walang pasok ngayon dahil weekend kaya malaya naming magawa ang gusto namin.

Agad akong pumanhik ng silid-paliguan at walang pag-atubiling sinimulan ang ritwal sa umaga. Umabot ako ng anim minuto sa loob dahil parang gusto ng katawan ko ang magbabad nalang sa tubig buong araw pero tinapos ko parin iyun. Nagsuot ako ng kulay puting damit na may manggas at kulay itim na cotton short black.

Naglakad ako papalapit sa kama habang nag-iisip kung anong pwedeng gawin. Ano kaya ang magagawa ko ngayon? Matutulog lang ba ako?

Umupo ako sa paanan ng kama ko at napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Iniluwa doon ang mga kaibigan kong babae na may malalaking ngiti. Ano namang ginagawa nila dito?

"Ah hehehe Hi Blaire" ngising-ngisi bati ni Lucy sakin. Kunot noo akong nakatingin sa kanila at lumapit naman sila sakin.

"Bakit kayo naparito sa silid ko?" takang tanong ko sa kanila.

"Girls bonding daw eh" saad naman ni Aubrey at napakamot pa ito sa batok. Tumango-tango nalang ang iba sa pagsang-ayon.

"Dito sa silid ko?" di makapaniwala kong tanong muli at tumango-tango sila na parang kay laking tuwa iyun para sa kanila.

Napaisip naman ako. Siguro'y pwede na iyun, wala naman akong gagawin. Kaya bilang pagbigay pahintulot ko ay tumango na lamang ako.

Napatili naman sila at lumundag-lundag pa ang iba dahil sa tuwa. Agad silang nagsiupuan sa kama ko na may malapad na ngiti.

"Ang ganda talaga ng kwarto mo Blaire noh" komento naman ni Sophie habang naglibot ito ng tingin.

"Guys, laro tayo" suhestiyon ni Aubrey samin. Napaisip naman kaming lahat kung anong larong maari naming laruin.

"Twist the bottle kaya" seryosong saad ni Lucy. Kumunot naman ang mga noo namin sa sinabi niya. Maya-maya ay humagalpak ng tawa si Scarllet, Aubrey at Sophie.

"Gaga hahahaha, spin the bottle hindi twist hahahaha" Tawang-tawa pagkorekta ni Scarllet at napanguso nalang si Lucy.

"Sorry lang naman, pero pwede din naman yun eh" parang batang depensa ni Lucy.

"Okay, let's start" wika ni Alexis at bigla naman sumeryoso si Lucy kaya nangunot nalang ang noo ko pero di ko nalang iyun pinagtuunan ng pansin. Nagsibabaan kami sa kama at umupo sa sahig na pabilog ang posisyon.

Naglabas ng bote si Scarllet gamit ang kapangyarihan niya at lumitaw iyun sa kamay niya. Kaya ko din kaya iyun?

"Okay, ako ang mauna" nakangiting saad niya samin at tumango nalang ang iba.

Pinaikot ni Scarllet ang bote at nakatuon lang lahat ng mga mata namin doon. Huminto iyun kay Aubrey at kitang-kita ko ang paglunok niya.

"Truth or dare?" ngising-ngisi tanong ni Scarllet.

"T-truth" nauutal tugon ni Aubrey. Napaisip naman si Scarllet at biglang lumiwanag ang mukha nito.

"May jowa kana ba?" pilyang tanong ni Scarllet. Napakagat naman ng iibang labi si Aubrey at tumango.

"Confirm!!!" sigaw ni Lucy.

"Yieeee sino?" kuryusong tanong ni Sophie.

"Wuyy bawal ang dalawang tanong" pagpapaalaala naman ni Aubrey kaya napanguso nalang ang iba, maliban sakin at kay Alexis.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon