Chapter ♥ 19

2.4K 93 29
                                    

Blaire POV

Andito ako ngayon sa aking silid habang nakadapa sa higaan. Nag-antay na lamang ako para hilain ng antok. Agad akong nagbalikwas sa pagkakadapa nang may naramdaman akong presensya. Nilibot ko ang paningin at napahinto ako sa lalaking seryosong nakatayo sa pintuan na nakasuot na maitim na kapa. Nangunot na lamang ang noo ko, anong ginawa ni Four dito? Gabi na tapos andito pa siya.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Lalabas tayo para magmasid" walang emosyon niyang sabi kaya napatango-tango nalang ako. Oo nga naman, bakit ko iyun nakakalimutan na may responsibilidad pala kami.

Bumaba ako ng kama at naglakad papuntang closet. Hinanap ko ang aking kapang itim at nang natagpuan ko ito ay agad ko itong isinuot.

Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. Nauna naman siyang lumabas kaya sumunod nalang din ako. Sinarado namin ang pintuan ng aking silid.

"What about them?" bulalas ko. Napapansin kong madalas na ako ngayon nagsasalita ng ingles, siguro'y impluwensya ito sa mga nakapaligid sakin.

"Nakalabas na sila" tugon naman niya. Tumango-tango nalang ako, kaya pala hindi ko sila nakita kanina.

Nakalabas kami ng dormitoryo at agad kong nilibot ang paningin. Hihiwalay na sana ako sa kanya nang agad naman niya akong pinigilan.

"Where do you think you're going?" talim niyang tanong sakin. Napairap nalang ako at hinarap siya.

"Kung iniisip mong magsasama tayo ay nagkakamali ka Four" naiinip kong tugon.

"Kung iniisip mong hahayaan kita ay nagkakamali ka Threes" pagmamatigas niyang sabi kaya napabuga nalang ako ng hininga at itinaas ang dalawang balikat sabay lakad sa kanyang tatahaking daan.

Sumunod naman siya sakin habang ako naman ay tinalasan ang mga mata para tingnan ang bawat sulok ng Akademyang ito.

Nalibot na namin ang bandang harapan ngunit wala parin kaming nakalap na kahina-hinala kaya nagtungo kami sa likod ng Akademya. 

Nangunot ang noo ko habang naglalakad sa maliit na pasilyo. May kakaiba akong naramdaman. Parang presensiyang pilit itago lamang. Nilingon ko naman si Four para matanong kung nararamdaman din ba niya iyun. Nangunot nalang ng husto ang noo ko dahil wala na siya sa aking likod.

Saan ang lalaking iyun? Agad kong nilibot ang paningin at ganun parin. Di ko parin siya nakita maski ang anino niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at naging mailap ang galaw ko't nagtago sa isang sulok nang may narinig akong kaluskos.

Tinalasan ko ang pandinig at pakiramdam. Dahan-dahan akong sumilip at naningkit ang aking mga mata nang may nakita akong anino sa unahan. Tumakbo iyun sa madilim na sulok kaya agad akong lumabas sa pinagtaguan at agad iyun tinunton. Hingal-hingal akong nakarating sa kinaroroonan ng anino ngunit laking taka ko dahil wala akong nakitang tao.

Napabuga nalang ako ng hininga dahil maaring halusinasyon ko lamang iyun. Babalik na sana ako nang may nabunggo akong matitigas na bagay kaya napahimas nalang ako ng noo. Tiningnan ko kung ano ang aking nabunggo at napaatras nalang ako ng kaunti dahil isa itong lalaki. Ang taas ng lalaking ito, kasing taas ni Four.

Puti ang medyo mahaba niyang buhok, hindi ko siya lubusang makilala dahil tanging buwan lang ang nakapagbigay liwanag sa paligid.

Nangunot nalang ang noo ko dahil parang pamilyar sakin ang lalaking ito. Parang ito yung lalaki sa Paradise, kung saan kami nag-inuman noon. Ganitong-ganito ang buhok niya at tindig. Ngunit anong ginagawa niya dito? Kung hindi ako nagkakamali ay manglalakbang lang ang isang to.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon