Chapter ♥ 41

1.9K 85 103
                                    

Blaire POV

Pagpasok ko palang ng akademya ay agad akong sinalubong ng mga bulong bulungan.

"Oh she's back"

"She's scary"

"The slut is back"

"What the hell she's doing here?"

"Siguro babalik na naman yan para agawin si Prince Chaos mula kay Princess Divine"

"Huh, subukan lang niya! Masasaktan lang siya"

"Hahahahahaha oo nga naman, nako para na ngang mag-asawa silang Prince Chaos at Princess Divine eh"

"Bagay sila kaysa sa babaeng yan"

"Mukhang patay"

"Alam niyo, noon pa di ko na yan gusto ang babaeng yan eh"

Kahit masyado ng nakakasakit ang mga pinagsasabi nila di ko parin sila pinansin at nagpatuloy papuntang dormitoryo. Hapon ngayon kaya maraming mga studyanteng naglalakwatsa. Aaminin kong nakaramdam ako ng kaunting kaba.

Nakarating ako sa tapat ng dormitoryo at naiyukom ko ang aking mga kamao dahil sa kaba. Nagpalabas ako ng mabibigat na hininga saka ko binuksan ang pintuan. Pumasok ako at agad naglibot ng tingin. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko sa sala at lahat sila napatigil sa kanilang ginagawa nang nakita nila ako.

"Blaire!"

"Snow!"

Gusto ko namang ngumiti pero di ko magawa. Agad tumakbo ang mga babaeng kaibigan ko sa aking gawi at agad nila akong dinakma ng yakap. Maliban lang kay Alexis kaya nagtaka naman ako.

"I miss you Blaire"

"Snow, san ka nagpunta? Nag-alala talaga kami para sayo"

"Sana pinaalam mo man lang kung nasaan ka para din nabisita ka namin"

"Okay ka lang ba?"

Kumalas naman ako sa pagkakayakap nila. Di na nakisali ang mga lalaki sa yakapan. Napadako muli ang tingin ko kay Alexis, nakaupo lang siya sa supa na parang hindi padin ako napansin. Narinig ko naman ang pagtikhim nila.

"Alexis, hello! Si Blaire andito na" pagbibigay alam ni Scarllet. Tumayo naman ito at naglakad papunta sa amin habang nakataas ang isang kilay niya.

"You better not here, masasaktan kalang" seryoso niyang sabi saka ako nilagpasan at umakyat siya ng hagdanan. Nangunot naman ang noo ko sa kanyang inasta. Galit ba siya sa akin o nag-alala lang?

"Ah hahahaha pag pasensyahan muna Blaire, may dalaw yun" hinging paumanhin ni Sophie. Naglibot ako ng tingin dahil kanina ko pa gustong makita ang hinahanap kong tao subalit ako'y bigo.

Bakit mo siya hinahanap? Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para layuan ka niya tapos ngayon umaasa kang magpapakita siya? Para naman akong sinampal sa sarili kong pag-iisip. Napabuntong hininga nalang ako bago ko muling tinuon ang atensyon sa kanila.

"Blaire, kumusta kana?" nag-alalang tanong ni Lucy sa akin. Ngumiti lang ako ng kaunti at sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan.

"Ey love hahahahaha ano ba! Ibaba mo nga ako" napapintig ang tenga ko dahil sa malanding boses ni Divine. Dahan dahan akong lumingon at parang piniga ang puso ko nang nakita ko si Four na walang emosyong nakatingin sa akin. Ang laking pagbabago niya. Magulo ang kanyang buhok at may hikaw siya sa kabila niyang tenga. Nakabukas ang kanyang dalawang botones ng kanyang uniporme. Pasan niya si Divine sa isa niyang balikat na ngayon ay tumawa.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon