Chapter ♥ 13

2.5K 110 82
                                    

Author POV

Nakatulog si Blaire sa mga bisig ni Chaos samantalang ang ibang babae ay lasing na lasing narin.

"We should go back to a Academy" walang emosyong sabi ni Chaos at gumawa ito ng isang portal pauwi. Binayaran naman ni Miles ang mga nainum nila at pulutan pagkatapos ay kinarga nito ang lasing na si Scarllet.

Si Parker naman ay kanina pa hindi binitawan si Lucy na ngayon ay tulog na tulog parin. Si Acel ay karga-karga din niya si Alexis. At ang huli si Kade, inalalayan lang niya ang dalawang lasing na si Sophie at Aubrey.

Naunang pumasok si Chaos sa portal at sumunod naman ang iba.

Nakauwi sila sa dormitoryo nila at agad namang hinatid ng mga lalaki ang mga babae sa mga silid nito.

SAMANTALA, karga-karga ni Parker ang lasing na si Lucy at dahan-dahan niya itong hiniga sa kama. Nang tuluyan niya itong nahiga ay hinubaran niya ito ng bota at nilagay niya iyun sa mga lalagyan ng mga damit pampaa. Binalikan niya ang dalaga at umupo siya sa tabi nito.

Napatingin siya sa maamo nitong mukha at dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa pisngi nito. Hiniwa niya ang ligaw na buhok sa pisngi ni Lucy at dahil dun, malaya niyang pagmasdan ang kabuuan ng mukha ng dalaga.

Napatingin naman siya sa mga labi nito na kanina lang niya natikman at ramdam parin niya iyun. Napangiti siya ng kaunti habang umiiling-iling.

"Silly" bulalas ni Parker at tatayo na sana siya nang nagsalita ito.

"Vhaket ganun! Maherap vha akong mahalin?" halos mangiyak-ngiyak sambit ng dalaga habang sumisinok ngunit nakapikit parin ito.

Bumuntong hininga nalang si Parker dahil sa sakit na dinanas nito. Ayaw niyang makikita ang minamahal niyang nasasaktan. Oo, mahal niya ito noon pa pero mas pinili nalang niyang ikubli iyun dahil alam niyang may mahal itong iba.

Umupo siya muli sa tabi nito at dahan-dahan niyang nilapat ang kamay niya sa balikat nito. Pagkatapos ay marahan niya itong tinapik-tapik.

"Ssshhh I know, it hurts but the best thing you have to do is to move on. Please baby, I don't want seeing you like this" mahinang sabi niya dito kahit alam niyang wala namang silbi ang mga iyun.

"Pero andzito parin eh, ang shakit sakit" naiiyak sabi ng dalaga at sinuntok-suntok pa nito ang dibdib habang palinga-linga ang ulo.

Para namang piniga ang puso niya nang nasilayan niya ang mga luhang nagsibagsakan sa nakapikit nitong mga mata. Napatingala nalang siya sa kawalan at nagpalabas ng mabibigat na hininga. Tiningnan niya muli ang dalaga at ngayon ay nakadilat ay ang mga mata.

Agad itong bumangon at mabilis itong tumayo na parang hindi lasing. Ngunit nang tumakbo ito ay wala sa ayos, agad naman niya itong sinundan para pigilang makalabas.

"Hey baby, please matulog kana" kalmado niyang sabi habang hinawakan niya ito sa balikat.

"Umalis ka nga sa daan ko! ano ba? Wala kang karapatang pigilan ako sa mga gagawin ko dahil hindi kita gusto at hindi mo rin ako gusto kaya lubayan muna ako!" galit nitong sigaw sa kanya at para namang sinaksak ng paulit-ulit ng kutsilyo ang puso niya dahil sa sinabi nito.

Iwinaksi siya nito at di man lang siya nakapalag dahil sa sakit ng naramdaman niya ngayon.

LUMABAS si Lucy sa silid at wala ito sa ayos naglakad patungo sa pintuan ni Acel. Humihingal siyang sinandal ang ulo niya sa pinto habang ang mga luha niyang walang tigil sa pagbagsak.

"Acel! Huyy buksan mo ang pinto!" sigaw niya at sinuntok-suntok ang pintuan.

"Mag-usap tayo please" mangiyak-ngiyak niyang sabi at wala paring tigil sa pagkatok.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon