Chapter ♥ 11

2.7K 110 68
                                    

Blaire POV

Pagkatapos ng aming agahan ay agad kaming pumanik sa kanya kanya naming silid ng makapaghanda sa magiging lakad namin. Nagsuot ako ng maitim na katad pantalon at puting damit na walang manggas, medyo litaw ang pusod ko dahil may pagka-iksi ito. Litaw na litaw din ang aking mapuputing dibdib kaya nagsuot ako ng maitim na katad na jacket. Sinuot ko rin ang maitim kong bota. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin, pinusod ko ang aking buhok at pagkatapos ay lumabas na ng silid.

Bumaba ako ng hagdanan at nadatnan ko naman ang mga lalaking prinsipe sa sala at di ko nakita ang mga kaibigan kong babae. Siguro'y hindi pa sila tapos mag-ayos. Papalapit ako sa kanila at agad naman silang napatingin sa gawi ko sabay laglag ang mga panga. Ngunit si Four ang mas nakaagaw sakin ng pansin dahil sa suot niyang puting V-neck at klarong-klaro parin ang maskulado niyang katawan. Nakasuot siya na may tastas na maong kulay itim at nakabota din siyang itim. Para akong nahipnotismo sa tindig niya, dagdagan mopa ang nakatali niyang may pagkamataas na buhok kulay pula.

"Ang ganda mo talaga Blaire" puri ni Parker sakin kaya nabalik ako sa reyalidad at ngayon ko lang napagtantong titig na titig pala sakin si Four na para ka na nitong hinubaran kaya nakaramdam naman ako ng kaba sa dibdib.

"Gorgeous" komento din ni Kade.

"Stop it, don't look at her" malamig sabi ni Four may kasamang pagbabanta kaya agad naman silang nagsi-iwas ng tingin na may ngiti at ang iba ay napailing-iling pa.

"Kyaaahh I'm so excited!" agad akong napalingon sa likod at nakita ko ang mga kaibigan kong babae. Ang ganda nilang tingnan dahil sa mga suot nila. Dagdagan mo pa ang mga kolorete nila sa mukha ngunit ito'y kaunti lamang at walang labis. Napatingin naman sila sa gawi ko na may ningning sa mga mata.

"Ang ganda mo talaga Blaire kahit walang make up at unfair iyun para samin ahmp" nakangusong sabi ni Sophie.

"Oo nga" pag sang-ayon naman ni Lucy. Ngumiti lamang ako ng kaunti bago nagsalita.

"Maganda din naman kayo. Ang tao may kanya-kanyang kagandahan at hindi iyun mawawala. Kung hindi man sa anyo ay nasa puso't katangian" magaan kong sabi sa kanila at ngumiti naman sila sabay tango.

"Correct! So, Let's go!" masiglang saad ni Scarllet. Sumang-ayon naman kami sa kanya at lalakad na sana kami nang nagsalita si Acel.

"We can't go out, we should find another way" kalmado niyang sabi. Oo nga naman, bakit hindi namin iyun naisip na kung lalabas kami patungong tarangkahan ay maari kaming mahuli.

Agad kaming napalingon kay Four nang napansin naming may umilaw sa harapan niya at tumambad samin ang isang portal. Agad namang pumasok si Four kaya dali-daling sumunod ang mga lalaki. May kakayahan din kasi si Four na gumawa ng portal at siya mismo ang gumawa nong papauwi kami galing sa bundok Soctum. Sumunod naman silang Scarllet kaya pumasok narin ako, parang hinukay ang aking sikmura dahil inikot-ikot ka nito na para kang hinila paitaas. Ito ang ayaw na ayaw ko ngunit kaylangan kong sanayin ang aking sarili dahil alam kong mauulit parin ito.

Para naman akong tinulak paabante at bumulagta sakin ang labas ng tarangkahan.

"Oh saan na tayo dadaan?" taray tanong ni Alexis. Inayos ko naman ang aking sarili bago sila tiningnan.

"Wait" bulalas ni Aubrey at agad itong sumipol kaya nagtaka naman kami.

"Heeyyaahh! Heyaahh!" agad kaming naglibot nang tingin nang may narinig kaming boses na parang nagpatakbo ng kabayo. Rinig ko ding may mga yabag na tumatakbo at may rumagasang tinig na parang kinaladkad.

"Ayan na siya" bulalas muli ni Aubrey habang nakatingin sa kanang bahagi kaya napatingin naman kami doon at nakita namin sa di kalayuan ang tatlong kabayong puti ngunit nakapagtataka lang dahil kakaiba ang mga tenga nito, para itong tenga ng kuneho kung tutuusin. May dala itong may kalumaang kalesa at may nagmamaneho doong isang taong unano. Ang bilis ng takbo nito kaya agad itong nakarating sa harapan namin.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon