Chapter ♥ 3

3.5K 171 164
                                    

Blaire POV

Binuksan ko ang ref at tumambad sakin ang klase-klaseng pagkain at nakita ko ang pitsel na naglalaman ng tubig. Kukunin ko na sana ito nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napalingon ako sa kanang bahagi nang may narinig akong mga yabag ng mga paa. Napaka pamilyar sakin ang presensiya kaya nakaramdam ako ng pagkabahala. Nakita kong mula sa gawi ko ang lalaking ayaw na ayaw kong makita. Gulat kong sinarado ang ref nang tumingin ito sa gawi ko. Taranta akong naglakad papunta sa pintuan ng kusina at agad lumabas.

Agad kong sinarado ang pinto at napahawak ako sa dibdib dahil sa kaba. Nasa likod ako ngayon ng dormitoryo namin. Ang likod na ito ang karugtong ng gubat sa likod ng skwelahan. Walang ni isang mag-aaral ang nakikita ko dahil di naman ito masyadong lantad. Nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw ang hinawakan kong busol ng pinto. Sigurado akong si Four ang taong nagpumilit buksan ito.

Napalinga-linga at nagbabasakaling may iba pang matatakbuhan, ngunit wala na akong mapagpipilian pa. Agad akong tumakbo papunta sa loob ng gubat. Ayaw kong makita niya ako, ayaw kong mahuli niya ako. Nakapasok ako ng gubat habag lumilinga. Tumakbo ako pakaliwa at tinahak ang daang walang kasiguraduhan. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Takbo lang ako ng takbo. Napatigil ako dahil hindi ko na kaya, pagod na ang mga tuhod ko. Napabuga ako ng mabibigat na hininga. Tumawa ako ng mapakla dahil pakiramdam ko para akong tangang tumatakbo. Napahawak ako sa dalawa kong tuhod at napailing-iling nalang ako dahil naramdaman kong may basa sa pisngi ko. Hindi, hindi to maaari. Nangako akong wag ng iiyak pa. Tumawa muli ako ng mapakla at pinahiran ang mga traydor kong mga luha. Kahapon lang ay nagawa ko pang ngumiti pero bakit ngayon hindi? Sana andito lang ang babaeng iyun, si Artemis.

Nilibot ko ang paningin at ngayon ko lang napagtantong malayo nadin ang tinakbo ko dahil hindi ko na pamilyar ang lugar na ito. Nasan ako?

Agad akong napalingon sa likod nang may narinig akong nabaling sanga. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Four sa unahan. Luminga-linga ito at agad akong tumakbo muli nang napatingin ito sakin.

"Wag muna akong habulin pa!" nahihirapan kong sigaw. Lumingon ako muli at walang Four ang nakikita ko kaya wala na akong sinayang pa na oras ay binilisan ko ang pagtakbo.

Takbo lang ako ng takbo at di alintana ang mga dinadaanan ko, basta ang mahalaga ay hindi niya ako maabutan. Gusto ng bumigay ang mga paa ko pero takbo parin ako ng takbo. May nakita akong malaking puno sa unahan kaya dali dali akong lumapit doon at agad akong nagtago. Napahawak ako sa dibdib dahil sa pagod. Sumandal ako sa puno dahil parang wala sa oras ay bibigay ang mga tuhod ko.

Lumanghap ako ng hangin at para namang natuyo ang lalamunan ko. Dahan-dahan akong sumilip at laking kaba ko dahil nakita ko si Four na mabilis nag lakad. Luminga-linga ito at sigurado akong ako ang hinahanap niya. Nagtago ako muli at kinalma ang sarili.

Bakit ka tumatakbo? Naduduwag kana ba? Hindi naman yan masama para patayin ka para naman akong pinangaralan ng sarili kong pag-iisip. Oo, hindi niya ako papatayin pero dahil sa kanyang ginawa para nadin akong pinatay at ayaw kong mas lalala pa iyun.

Sumilip ako muli at laking ginhawa ko dahil nawala na siya. Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan at laking gulat ko nang biglang lumitaw saking harapan ang malademonyong mukha ni Four.

"Are you lost little kitten?" malalim at puno ng pagnanasa ang boses niya habang matiim itong nakatitig sakin na para akong isang pagkaing kay sarap tikman.

Ilang ulit akong napalunok dahil sa kaba at gulat. Para akong natuod sa kinatayuan ko dahil di ko man lang maigalaw ang mga paa ko.

"Hide and seek huh? Do you want to play the game? The rules is, if I Catch you, I will fuck you hard and rip you again and again until you scream my name. Do you want that?" baritono niyang sabi at sa bawat binitawan niyang mga salita ay may kasamang pagbabanta. Para namang nanghihina ang mga tuhod ko dahil dun. Parang tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa takot. Lalo na ang mga nanaliksik niyang mga mata na para ka na nitong pinatay.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon