Chapter ♥ 15

2.4K 110 38
                                    

Blaire POV

Agad akong nagpahid ng mga luha at kunot noong tiningnan si Four. Ano na namang pakulo ito? Drama lang ba iyun? Naglibot ako ng tingin at nagulat nalang ako ay nawala na parang bula ang mga kalat ang mga dugo sa paligid. Bumalik ito sa normal, wag mong sabihin na ilusyon lang ang lahat ng yun. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na ngayon ay nasa harapan namin ngunit may distansya iyun. May letra silang hawak na I LOVE YOU na nakapagbigay sakin ng pagkalito. May musika din sa paligid.

"Anong_" naputol ang sasabihin ko nang agad nagsalita si Four at hinawakan pa nito ang magkabilang pisngi ko. Nakaupo narin siya sa sahig habang kaharap ako.

"Threes, I'm sorry. Hindi totoo ang lahat ng yun" pagpapaliwanag niya sakin.

Sinabi ko na nga bang pakulo lang ito. Ako namang itong tanga ay nagpapadala, nasayang lang ang luha ko. Para akong tangang umiiyak dito tapos hindi naman pala totoo.

Ano gusto mo, maging totoo ang lahat? Tama, mas mabuting hindi nga iyun totoo. Pero hindi ko parin mapigilan ang mainis.

"Babe, listen to me" saad niya at pinaharap niya ako sa mga mata niyang puno ng pagmamahal na para kang ilulunod nito. Pinahiran naman niya ang nagbabadya kong luha kaya napakagat nalang ako ng iibang labi para matigil ang mga luhang iyun.

"I was the reason why you cried in pain, but your tears hurt me more than I expected. I'm being careless and ruthless with you and I regretted on that" taos-puso niyang wika at nanatili lang akong tahimik.

"Yes, I was being harsh on you but it doesn't mean that I don't love you. I almost went crazy when there's someone touch you, makes you smile, admire you and jealousy ate me. I wanna be your only cause and effect. Cause of your sweet smile, your laugh, your jealousy, and all of your emotions that effect to your heart" masuyong dugtong niya at ilang ulit narin akong napalunok.

"I'm a jealous type, a possessive one. But why you can't find out the care and fear of losing you behind it? I'm afraid that you might attach to someone else" emosyonal niyang wika sakin habang titig na titig ito sa mga mata ko. Para akong mawawalan ng hininga dahil sa mga sinabi niya sakin. Bumalis na din ang tibok ng puso ko.

Anong bang lalaking ito? Bakit sa harapan pa ng mga kaibigan namin? Ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

"My heart, my body and soul are all yours. Only yours. You're my luxury and my happiness that I can't share to anyone else. Babe, babygirl, sweet heart, my love. Can I be your cause and effect? Can I court you?" halos mabulunan ako sa mga pinagtatapat niya sakin dahil hindi ko inaasahang mangyayari ito.

Nakakagulat naman ang lalaking ito. Totoo ba talaga ang pangyayaring ito o nananaginip lang ako?

"Threes, answer me" nabalik naman ako sa katinuan at napatitig naman ako sa mga mata niya kaya muli akong napalunok ng ilang ulit.

Siguro ito na iyun, kaylangan ko ng harapin ito at ipaglaban. Hindi naman masama ang pairalin ang puso, ang mahalaga ay nagmahal ka. Siguro nga'y katangahan ito ngunit mas pipiliin kopa iyun kaysa sa maging duwag. Kung ito ay ikakasakit na naman ng aking puso ay mainam na mas maging handa ako roon dahil sumugal ako.

"It's okay, I'm willing to wait_"

"Oo" nakangiti kong putol sa kanya ngunit may kaba parin iyun. Ang lugmok niyang mukha ay napalitan naman ng pagkagulat ngunit napunan din ito ng matatamis na ngiti.

"So, your answer is yes? Am I right?" tuwang kompirma niya sakin at tumango-tango naman ako habang nakangiti.

"Yes!" masayang sigaw niya at agad akong niyakap ng mahigpit. Napatili ako nang agad siyang tumayo at umikot-ikot kami kaya napatawa na lamang ako.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon