Chapter ♥ 5

3.3K 163 55
                                    

Blaire POV

Naalimpungatan ako dahil sa tinig ng mga ibon na nagmula sa labas at nangunot nalang ang aking noo nang napagtanto kong may mainit na bagay sa likod ko. Napamulat ako nang may kung anong humigpit saking dibdib. Agad ko itong tiningnan at unang bumungad sakin ang brasong nakapulupot sa bandang dibdib ko. Napatingin din ako sa inunanan ko at nakita ko ang isang braso. May naramdaman naman akong maiinit na hininga sa ulo ko kaya dahan-dahan akong lumingon at napalunok na lamang ako dahil isang dangkal nalang ang namamagitan samin ni Four.

Bakit katabi ko ito? Nung gising pa ako kagabi ay hindi ko naman siya katabi.

Babangon sana ako pero hindi natuloy dahil para akong nahipnotismo sa kabuuan ng mukha niya. Bakit ang gwapo ng nilalang na ito? Ang makakapal niyang kilay, ang pilikmata niyang mahahaba at maiitim, ang ilong niyang napakaperpekto, mga labi niyang pulang-pula na parang hugis puso kaya napalunok ako dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko. Di ko man lang namalayan na ang daliri ko ay nakalapat na pala sa labi niya.

Agad kong binawi ang aking daliri nang ngumiti ito. Babangon na sana ako pero agad din niya akong napigilan sa pamamagitan ng braso niyang nakayakap sakin. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Nahugot ko ang aking hininga nang bumukas ang mga mata niya. Nakatitig lang siya sakin at para naman akong nalusaw nang ngumiti ito.

"Good morning babe" paos niyang bati sakin at nalanghap ko naman ang mabango niyang hininga.

"B-bitawan mo ko" usal ko at sumeryoso naman siya bigla.

"Why? If I let you go, do you think you can escape me?" malamig niyang sabi kaya napalunok na lamang ako.

"Umaga na kaya uuwi na tayo" pagiibang usapan ko. Napasinghap ako nang agad niya akong niyakap at naging mabilis ang pangyayari ay nakapatong na siya sakin. Matigas ang hinihigaan ko dahil lupa ito.

Lumakas ang tambol ng puso ko habang di maalis-alis ang aking mga mata sa mga mata niyang puno ng pagnanasa.

"U-malis_" di ko natuloy ang sasabihin ko nang agad niya akong sinunggaban ng agresibong halik.

Tumigil ang mundo ko dahil sa gulat at gayun nalang din ang paglaki ng mga mata ko. Mapusok niya akong hinalikan at puno ng katakawan niyang sinipsip ang mga labi ko. Napaawang ang bibig ko nang kinagat niya ang isang labi ko at wala siyang sinayang na oras ay agad niyang ipinasok ang mapangahas niyang dila. Para akong kapusan ng hininga dahil sa likot ng dila niya sa bibig ko.

Pilit ko siyang itinulak pero para lang akong nagtulak ng pader dahil hindi ko man lang ito natinag.

Hindi, hindi pwede ito

Sinuntok-suntok ko ang dibdib niya at pilit siyang ilayo. Napadaing ako nang kinagat niya ang labi ko at nalasahan ko naman ang kunting likido sa bibig ko. Pinadyak ko ang aking mga paa pero para walang lang iyun sa kanya.

Pero di parin ako nawalan ng pag-asa at pilit ko parin siyang itulak dahil para na akong mawalan ng hininga sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay niya iyun sa ibabaw ng ulo habang hawak-hawak niya. Nagsimula nang tumulo ang luha ko dahil sa kaba at takot.

Bakit niya ito ginagawa sakin? Wala nabang natitirang respeto niya para sakin? Mas pinalala lang niya ang kasalanan niyang nagawa.

Humihikbi ako habang siya ay walang tigil sa pag akin ng mga labi ko. Napapikit nalang ako at hinayaan nalang ang gusto niya. Naramdaman kong tumigil siya at lumayo sa mga labi ko. Walang tigil ang mga luha kong nagsibagsakan habang ako'y nakapikit.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon