Chapter ♥ 16

2.6K 114 45
                                    

Blaire POV

Nakarating kami ng Arena at agad naman kaming sinalubong ni HM. Pinapwesto niya kami sa gitna ngunit may mga distansya ang namamagitan namin sa isa't isa.

Nakatayo siya sa harapan namin habang ang dalawa niyang mga kamay nasa likod niya.

"Ang araw na ito ay ang araw ng pagsasanay" unang panimula niya at lakad, pabalik ito sa harapan namin.

"Ang pagsasanay na ito ay para maging handa sa anomang trahedya, kapahamakan, o pagsubok" taas noong dugtong niya habang kami ay tuwid na tuwid nakatayo at nakinig lamang sa mga sinabi niya.

"Ang unang gawin natin ay pagsasanay ng mga galaw, pag-iisip at depensa sa sarili ng walang halong kapangyarihan. Ang sinomang lumabag ay mapupunta sa Detention Room, maliwanag!" tumango lang kami sa sinabi niya. Ang detention room ay kung saan hihigupin nito ang kapangyarihan mo hanggang sa ikaw ay manghihina.

"Bawat isa sa inyo ay tig-dadalawang kalaban ay ito ay ang mga clone niyo" nagkatinginan kaming mga magkakaibigan dahil dun. Ang ibig ba niyang sabihin ay labanan namin ang aming sarili?

"Ang ating mga sarili ay isa sa mga maaring katunggali natin sa buhay. Ang mga pag-iisip at mga galaw natin ay maaring madadala sa'tin sa kapahamakan at pagkatalo" seryosong saad niya at tiningnan kami isa isa. Tama siya doon, maaari nga iyun.

"Nilulunod natin ang ating sarili sa kasiyahan ng walang pag-aatubili, ngunit hindi natin alam na ang kasiyahan palang iyun at kalungkutan sa huli" napatango-tango na lamang kami dahil tama ang sinabi niya. Mas pinairal natin ang mga hakbang na nakakapagpasaya satin ng hindi nag-iisip dahil ang tanging gusto lang natin ay sumaya. Aaminin kong ganun din ako ngunit handa ako sa maaring mangyari.

"Maaring alam nga natin ang mga kinakaharap nating problema sating sarili ngunit naging duwag naman tayo at bulag sa katotohanan. Madalas sinabi nating BAHALA NA, dahil natukso ka at pinagpatuloy ang gawaing alam mong maaaring makapagpahamak at makakawasak sayo" para naman akong sinampal sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko ang mga binitawan niyang salita ay para lamang sakin. Tumama iyun sa buong pagkatao ko, kahit alam kong masasaktan ako sa huli ay pinairal ko parin ang gusto ko. Tama kaya ang naging desisyon kong tanggapin muli si Four?

"Oo, hindi masama ang sumugal at piliing maging masaya basta wala kang inaapakang tao, ngunit siguraduhin mo ding makakaya mo ang kahahantungan nito" bumuntong hininga ako sa sinabi niya. Sana'y makakaya ko nga iyun. Isusugal ko ang aking sarili dahil hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. At sisikapin kong makakaya ko ang kahahantungan nito.

Napatingin ako kay Four na ngayon ay seryoso lang nakatingin sa unahan. Sumugal ako dahil mahal ko siya at sana'y hindi niya ako bibiguin sa pagmamahal niya.

Ngunit di ko parin mapigilan ang makokonsensya dahil sa hinaharap namin ngayon, maraming taong madadamay sa pinili namin. Hindi maaring magbago ang propesiya dahil baka mas lalo lamang lalala ang sitwasyon. Mananalangin na lamang akong sana'y tama ang ginagawa ko.

"Ang iyong kahahatungan ay nakakadepende sayong hakbang" makahulugan niyang saad at tumahimik naman ang paligid. Tama, tayo mismo ang gumagawa sa kahahantungan natin. Ilang sigundong nakalipas ay muling nagsalita si HM.

"Sa pagsasanay na ito ay dito susukatin kung gaano kayo katatag. Dito niyo din matutuklasan ang mga kahinaan niyo at lakas" wika niya at nanatili parin kaming tahimik.

"Ang kaylangan niyong panghahawakan ang pagiging determinado. Maging matatag at wag magpapatalo sa mga pagsubok. Gamitin ang tamang pag-iisip dahil buhay niyo ang nakasalalay" Pangaral niya samin at tumango lamang kami. Napaatras kaming lahat nang may biglang lumitaw sa harapan namin na isang portal. Bawat isa samin ay may kaharap ng tig-iisang portal ngunit sinong may gawa nito? Si HM ba? Pero napakadami ng portal na ito ay paniguradong manghihina siya kung nag-iisa talaga siya. Siguro'y kanina pa ang portal na ito at pinag invisible lamang, maaring tumutulong din ang mga konseho nito. Tama, nagtutulungan sila para magawa ang mga ito.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon