Chapter ♥ 18

2.3K 105 47
                                    

Blaire POV

Nagmulat ako ng mga mata nang may naramdaman akong mainit saking kamay. Bumungad naman sakin ang puting kisame. Bumaling ako saking kamay at napangiwi nalang ako nang naramdaman ko ang pananakit ng aking katawan. Nangunot ang noo dahil nasa gilid ko si Four at natulog ito habang nakaupo. Nakasandal ang ulo niya sa aking hinihigaan, samantalang ang kamay niya ay nakahawak sakin.

Napangiti nalang akong pagmasdan ang mukha niya. Napaka-amo niyang tingnan pag tulog. Di ko napigilan ang kamay na haplusin ang buhok niya.

Paano nalang kaya pag mawala siya sakin, makakaya ko ba talaga yun?

Agad kong binawi ang aking kamay nang nagmulat ito ng mga mata. Umayos naman siya sa pagkakaupo bago ako tiningnan.

"Hi, how's your feeling?" nag-alala niyang tanong sakin.

"Ayos lang kahit may naramdaman paring kunting sakit" paos kong tugon sa kanya at napatango-tango naman siya.

"Saan sila?" takang tanong ko sa at bumangon para umupo.

"Nasa dormitoryo na, nagpapahinga" tugon niya. Ngunit bakit ako nandito? Ako lang talaga ang naagrabyado?

"Okay lang ba sila? Ikaw, okay ka lang?" tanong ko ulit at ngumiti naman siya ng kaunti.

"Don't worry, we're fine babe. Nagamot narin kami ng mga healer" maamo niyang tugon. Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na ding hindi sila naagrabyado kagaya ko.

"Sabi ng mga healer, maari na daw kitang isama" agad akong napalingon sa sinabi niya. Anong isama? Saan? Bakit pakiramdam ko ang laswa ng sinabi niya.

"Anong isama?" taranta kong tanong sa kanya. Umiling-iling naman ito na may ngiti sa mga labi.

Napaatras ang ako ng kunti nang inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. Napalunok naman ako dahil sa mukha niyang nakangisi.

"What are you thinking babygirl? Hmmmmm?" paos at malalim niyang tanong sakin. Agad naman akong umiling-iling.

Napangiwi ako nang nilagay niya ang kanyang kamay sa aking ulo. Bakit ba kasi ang bigat ng kamay niya. Marahan naman niyang tinapik-tapik ang aking ulo.

Natuod ako nang hinalikan niya ako sa noo. Nang-init nadin ang aking mga pisngi. Lumayo naman siya kaagad at tiningnan ako ng deretso.

"Let's go" masuyong saad niya at napatango nalang ako. Inalalayan nanan niya akong bumaba ng higaan.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.

"3:45" tugon niya at nagsimula na kaming naglakad. Nakalabas kami ng silid-pagamutan at tinahak ang daan papunta sa dormitoryo namin.

Pagdating namin ay agad akong nagpapaalam sa kanya para pumasok sa aking silid. Pagpasok ko ay pumanhik ako ng silid-paliguan. Binuksan ko ang shower at napasinghap ako dahil sa lamig ng tubig. Napatianod naman ang mga dugong nakadikit saking mga damit. Naghubad ako at lumapit ng bathtub saka ko ito nilagyan ng tubig.

Aagd akong lumublob nang napuno kona ito. Buti't agad gumaling ang mga sugat na natamo ko.

Naabutan ako ng ilang minuto sa silid-paliguan dahil gusto kong mahimasmasan din ang aking pagod. Nagsuot ako ng damit na kulay itim na walang manggas at kulay rosas ba cotton short.

Lumabas ako ng silid at pumunta ng silid-kainan. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko nakita ang aking mga kaibigan. Hindi ba sila kakain? Binuksan ko ang ref at nakita ko naman na may cake ditong nakalagay kaya agad ko itong kinuha. Siguro'y ito nalang ang kakainin ko ngayon.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon