Special Chapter

2.2K 81 62
                                    

(August 25, 2021)
Today is my birthday so I wrote this special chapter for you sweetie. I hope you will like it. I miss you all! Stay safe. I just want to inform you that I'm still writing my second story at sana hindi ako tamarin para matapos na at ma-publish ko na rito. If you want my update? Then make me, charot! Kaylangan ko lang talaga ng assurance sa klaseng novel na sinusulat ko. Hope you can wait. I love you all mwaaps!

Blaire's P.O.V

Tatlong taon ang nakalipas simula noong ikinasal kami ni Four. Masasabi kong ang pagsasama namin ay hindi madali. Wala namang perpekto. Minsan nag-away kami dahil sa hindi nagkaunawaan. Pinalaki pa namin kahit hindi naman malaking problema. Nagseselos siya kapag may kausap akong tagapagsilbi na lalaki. Minsan pinag-awayan pa namin ang pagpapalaki kay Hayden na anak namin. Pero kahit ganun, siya rin ang unang humingi ng tawad para magkabati kami.

Napangiti ako habang nakatingin sa tatlong taon gulang kong anak. Kalaro niya ang serbidorang babae na pinagkatiwalaan ko.

"Let's make another baby babe" Napapitlag ako nang may nagsalita sa aking likuran at niyakap ako mula sa likod. Napalunok ako. Sinumpong na naman ng kamanyakan ang isang 'to.

"Manahimik ka nga, baka may makarinig sayo eh" Mahinang saway ko. Nanindig nalang ang mga balahibo ko nang hinalikan niya ang aking batok. Parang natulos ako sa kinatayuan dahil napunta ang halik niya sa tenga ko at marahan niya iyung kinagat. Napaungol nalang ako bigla at naramdaman ko naman ang pag ngisi niya.

Marahan niya akong iginaya palakad at ako namang si marupok nagpahila din. Natagpuan ko nalang ang sarili sa ibabaw ng kama habang walang sawang pinaligaya ng mahal kong asawa.

Pagkabukas, nagising nalang ako dahil sa halik niya. Sabay kaming naligo at sabay din kaming bumaba para mag-agahan.

Lumipas ang dalawang taon naging maingat kaming lahat dahil may mga nilalang na kusa nalang lumitaw para manggulo. Wala kaming ideya kung saan nanggaling ang mga 'yun. Kulay berde ang kanilang mga mata. Para silang kinontrol ng kung sino.

Nandito kaming lahat sa isang silid at nagpupulong-pulong para masulusyonan ang problema. Nandito rin ang lahat ng kaibigan namin ni Four. Ayun sa impormasyon may isang Mages na bigla nalang hindi nito nakontrol ang guardian niya. Naging berde ang mga mata nito at pinatay ang taga-pagsummon. Isa iyung malaking banta para sa aming lahat at kaylangan na naming malaman kung sino o ano ang tunay naming kalaban.

Naagaw ang atensyon naming lahat nang bumukas ang pinto.

"Paumanhin sa pag abala. Sabi ng serbidora nawala raw si Prince Hayden. Hindi rin namin siya natagpuan dito sa loob ng kaharian" Magpakumbabang sabi ng kawal. Agad kaming napatayo ni Four dahil sa gulat at kaba.

"Wala bang nakakita sa kanya na lumabas sa tarangkahan?!" Awtoridad tanong ni Four. Yumuko naman ang kawal.

"Patawad ngunit wala silang nakitang lumabas sa tarangkahan" Ramdam ko ang kaba ng kawal. Nayukom ko ang mga kamao. Imposibleng hindi nila nakita. Kung wala si Hayden dito sa loob ng kaharian malamang nakalabas ito. Kinabahan ako sa pagkakaalam na delikado para sa bata ang lumabas. Limang taong gulang pa lang siya at wala pang alam sa pakikipaglaban.

"This discussion is done. You can leave now" Seryosong sabi ni Four sa lahat. Nakita ko rin sa mga kaibigan namin ang pagkabahala. Akmang lalabas na kami ni Four ngunit humabol silang Aubrey.

"Tutulong kami sa paghahanap" Saad ni Lucy. Tumango ako at sabay kaming lumabas sa silid.

Nilipon ni Four ang iilang kawal para tumulong rin sa paghahanap. Samantalang kaming babae naman ay nauna ng lumabas sa kaharian.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon