Chapter ♥ 7

2.9K 125 40
                                    

Blaire POV

Andito ako ngayon sa silid ko habang nakaupo sa kama. Umalis na silang Aubrey kani-kanina lang kaya nag-iisa nalang ako ngayon. Kanina pa ako nag-iisip sa gagawin kong desisyon at unti-unti ng naging malinaw sakin ang lahat.

Bumuntong hininga ako at bumaba ng kama. Lumabas ako ng silid at nagtungo sa tapat ng silid ni Four. Mabibigat ang hininga ko dahil sa kaba, ginalaw-galaw ko ang mga daliri ko para mabawas bawasan ang panlalamig ng mga kamay ko.

Nakatayo ako sa pinto ng silid niya at ilang ulit narin akong lumunok ng laway. Bakit parang kay hirap itong gagawin ko? Samantalang ang mga usapang labanan ay madali lang naman iyun sa akin, ng walang kabang nararamdaman.

Nakatuon lang ang mga mata ko sa pinto at dahan-dahan kong itinaas ang isa kong kamay. Lumunok muli ako ng laway bago kinatok ng unang beses ang pinto. Laking gulat ko nang agad itong bumukas at tumambad sakin ang malademonyong mukha ni Four kaya agad kong binaba ang kamay ko. Seryoso lang itong nakatingin sakin habang nakapamulsa. Buhaghag ang buhok niya at alam kong galing ito sa tulog.

Napaatras ako nang umabante siya ng kunti para isandal ang isa niyang braso sa gilid ng bakuna ng pintuan at ang isa niyang kamay ay nananatili sa bulsa niya. Bumaling siya pakanan sabay kagat ng ibang labi at lalaking-lalaki itong humarap sakin muli na parang nang-aakit.

"What do you want?" baritono niyang tanong sakin na nakapagpagulo ng sistema ko.

"A-ah, ah" gusto ko namang sumpain ang dila ko dahil para itong umatras kaya hindi ako nakakapagsalita. Bakit ganito nalang ang kaba ko?

"What?" tanong niya muli at base sa tono ng boses niya ay para itong iritado. Gusto ko namang ismiran ito.

Kung siya kaya ang nasa sitwasyon ko ngayon, di kaya siya kabahan?

Gusto ko iyung isumbat sa kanya pero pinigilan ko lang ang sarili. Tumaas naman ang isa niyang kilay kaya nanliit nalang din ang mga mata ko.

"Unable to speak huh?" pang-asar niya sakin habang nakataas ang sulok ng labi niya. Lumunok ulit ako ng laway dahil mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Bakit ba ako naduduwag? Napakagat ako ng iibang habang di nakatingin sa kanya ng deretso. Baka asarin lang ako nito pag malaman niyang kinakabahan ako.

Kanina pa, halatang-halata kana gusto ko namang kutusan ang sarili kong pag-iisip pero tama din naman iyun.

Nahagilap kong napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niyang nakasandal lang sa bakuna ng pintuan at binalingan niya ulit ako ng tinging naiinip.

"If you can't te_" naputol ang sasabihin niya dahil para akong sinapian ng ibang ispirito, wala sa sarili akong umangat at agad hinalikan siya sa pisngi.

Nabalik ako sa reyalidad at gulat akong lumayo sa kanya. Natuod ako sa kinatayuan ko habang nakatingin sa baba at nanlaki ang mga mata. Ilang ulit akong napalunok dahil sa hiya at kaba.

Bakit ko iyun nagawa? Ang tanga tanga ko talaga, di ko man lang nakontrol ang sarili ko.

Uminit nadin ang mga pisngi ko at siguro'y pulang pula na ako ngayon. Agad akong nag-angat ng tingin nang tumikhim siya at nasilayan ko naman ang matatamis niyang ngiti na animo'y parang nanalo sa paligsahan. Nakita kong namumula ang mga tenga, leeg, at noo niya. Kagat-kagat din niya ang iibang labi na parang pinigilan lang ang ngumiti ng malapad.

Umayos siya sa pagkakatayo ngunit ang isa niyang kamay ay nasa isang bulsa niya parin at ang isa niyang kamay ay nakakamot sa ilong niya gamit ang isa niyang daliri.

"Ahem! Ahm what do you mean by that? Hmmmm" tanong niya sakin habang titig na titig ito sa mga mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"Ah, ano_ahm" kagat labi kong bulalas. Nramdaman kong para na ding nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon