Chapter ♥ 8

2.8K 134 24
                                    

Blaire POV

Nakabalik kami ng dormitoryo at di man lang naming magawang kumain dahil sa nangyari. Ang tanging laman ng isip ko ay ang babaeng namatay kanina at alam kong ganun din ang mga inisip nila, kita iyun sa mga mata nilang na parang kay lalim ang iniisip.

Kaya ang ginawa ko ay agad akong dumeretso sa aking silid. Humiga ako ng kama hanggang sa nilamon ako ng dilim.

Third Person POV

Sa kaharian ng Firehexous ay may naganap na pagpupulong-pulong dahil sa trahedyang naganap sa Akademya. Dumalo ang mga hari't reyna ng iba't ibang kaharian para makibalita, kabilang na dito ang mga konseho at ilang opisyal. Nasa silid tanggapan silang lahat ngunit ito'y pribado at walang mga aliping nagagawi dito dahil kabilang iyun sa patakaran.

May pahabang lamesa sa gitna at may mga upuang nasa gilid nito at dun silang lahat nakaupo.

"Punong-guro, inatasan kitang isiwalat ang trahedyang nangyari sa akademya, kung bakit ito nangyari at ano ang nakuha niyong impormasyon" panimula ni Haring Ghostavo Halton at ito ang ama ni Chaos Four Halton, ang pangalan naman ng asawa nito ay si Reynang Imara Halton.

"Masusunod kamahalan" tugon naman ni HM. Tahimik ang lahat habang nag-aantay sa sasabihin niya.

"Ang naganap na trahedyang iyun ay kani-kanina lang ng umaga at ayun sa imbestiga namin kasama ng mga Healer ay di pangkaraniwang Charmers at Mages ang may pakana, madaming kalmot ang natamo ng biktima at bawat kalmot nayun ay nagbibilin ng maiitim na tinta sa katawan at papatayin ka nito dahil ang tintang iyun ay papasok sa balat mo at sa kaloob-looban mo hanggang sa marating nito ang puso mo at kaya nitong pahintuin ang pagtibok ng iyung puso. At higit sa lahat ang tintang iyun ay nakakalason, ang puso ng biktima ay maaring kinain pati na ang lamang loob nito" mahabang dugtong sabi ni HM at nagkagulo naman ang lahat. Kanya-kanyang mga opinion ang nagsilabasan ngunit iisang idea ang naisip nila sa kung sino ang pumatay.

"Kung gayun ay delikado ang ating mga mag-aaral"

"Ang ating anak, Mahal"

"Wala bang nakakakita sa pangayayari?"

"Dapat magdoble ingat tayong lahat"

"Nabuhay na ang kasamaan at dapat tayo ay maghanda"

"Kung buhay ang mga alagad ay maaring buhay nadin ang panginoon nila"

"Demon" bulalas ni Haring Solomon Callan at kasama nito ang asawa niya na si Reynang Tiarra Callan. Sila naman ang mga magulang ni Parker Callan.

Makikita mo sa mga mata nilang lahat ang pag-alala at takot para sa mga sinasakupan nila, lalong-lalo na sa mga anak nilang nag-aaral sa akademya.

"Ngunit paano iyun nangyari? Kung nagbalik na sila ay dapat dumating na ang itinakda" sambit ni Reynang Elena Rowen at katabi naman niya ang kanyang asawa na si Haring Deulton Rowen. Sila ang mga magulang ni Miles Rowen.

"Gaya ng sabi ko nung nakaraang pagpupulong-pulong natin mga kamahalan, dumating na ang itinakda ngunit hindi natin siya makikilala agad dahil ang tanging palatandaan lang natin ay ang taglay niyang kapangyarihan" sabat naman ni HM. May naganap na pagpupulong-pulong nitong nakaraang araw lang dahil sa propesiya at dun isiniwalat ang nakasulat sa aklat.

"Hindi niyo ba iyan mahanapan ng paraan? Walang mangyayari kung aantay lang tayo" awtoridad saad ni Haring Thomas Brooklyn, kasama nito ang asawa niyang si Reynang Karren Brooklyn at sila ang mga magulang ni Scarllet Brooklyn.

"Wag kayong mag-alala mga mahal kong Hari at Reyna sapagkat sinimulan na namin ang paghanap sa itinakda" kampanteng wika naman ng konsehong kasama ni HM.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon