Chapter ♥ 46

2K 90 91
                                    

Blaire POV

Andito ako ngayon sa isang tuyong harden habang nakatingin lamang sa buwan na natatakpan ng maiitim na ulap. Ang nangyari kaninang umaga ay dumagdag na naman iyun sa mga katanungan ng aking isipan. Siguro'y iyun ang dahilan kong bakit sabik akong makapunta dito, ang gamutin ang hari.

Bumuntong hininga nalang ako. Pakiramdam ko may alam ang reyna at ayaw niya lang iyung sabihin. Gusto ko siyang tanungin ngunit sino ba naman ako para bigyan niya ng oras.

Agad akong napalingon sa aking gilid nang naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Aubrey ito. Bigla namang bumalik sa aking isipan ang aking natuklasan sa kanyang kasintahan. Napakagat ako ng iibang labi. Siguro'y ito na ang tamang panahon para malaman niya ang katotohanan.

"Aubrey, may mahalaga kang malaman" unang saad ko kaya tinignan niya ako sa mga mata.

"Siguro mahalaga nga yan, ang seryoso mo eh" nakangiti niyang sabi at tumango lang ako.

"Gaano mo kamahal si Chanon?" seryoso kong tanong sa kanya kaya sumeryoso naman ang kanyang ekspresyon.

"Higit pa sa sarili ko" walang pag-aatubili niyang tugon. Tiningnan ko siya sa mga mata at nakita kong totoo ang kanyang sinabi. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Parang umatras ang dila ko dahil nakaramdam ako ng pagalinlangan. Nag-alinlangan akong sabihin sa kanya ang katotohanan dahil ayaw ko siyang masaktan. Alam na alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng minamahal. Ngunit mas kinain ako ng takot, takot na mapahamak ang isa sa mga kaibigan ko na nagmahal sakin ng totoo.

"Ano pala ang mahalaga mong sasabihin Snow?" interesado niyang tanong. Napalunok naman ako. Kinakabahan ako sa kahahantungan nito.

"N-nakita ko si Chanon na may kausap" hirap na hirap kong wika. Para akong naghahabol ng hininga dahil sa sikip ng aking dibdib. Iwan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman.

"S-sino?" seryoso niyang tanong.

"Isang Demon" deresto kong sabi at agad ko siyang nilingon. Para siyang natuod sa kanyang kinatatayuan. Kumurap siya ng ilang beses at bigla nalang itong tumawa.

"Hahahahaha Snow! Nagpapatawa kaba? Kung oo, effective hahahahaha" tawang tawa niyang sabi ngunit seryoso lang ako. Ang naramdaman kong kaba kanina ay napalitan ng determinasyon.

"Seryoso ako Aubrey, isa siyang kalaban" seryoso kong sabi kaya napatigil siya sa pagtawa. Nangunot ang kanyang noo na parang di makapaniwala.

"Snow, alam kong hindi ganun si Chanon" seryoso niyang sabi at nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkadismaya. Ngayon ko lang nakikita na ganito siya kaseryoso. Umiling-iling ako at agad kong hinawakan ang mga kamay niya.

"Aubrey, kitang kita ko sa dalawa kong mga mata na nakipagusap siya sa isang Demon. Ramdam ko ang masasamang intensyon niya at presensiya" diin kong sabi. Tiningnan niya lang ako sa mga mata na parang sinusuri kong totoo nga ang sinasabi ko.

"Snow, bawiin mo ang sinasabi mo please" pakiusap niya at nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Agad akong umiling-iling.

"Hindi Aubrey, totoo ang sinasabi ko kaya kaylangan mo siyang layuan para hindi ka mapapahamak" giit ko sa kanya. Nagulat ako nang marahas niyang iwinaksi ang aking mga kamay. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagkadismaya at nagsimula ng nangilid ang kanyang mga luha.

"Snow, alam kong nasasaktan ka pero wag mo namang idamay ang relasyon namin ni Chanon" emosyonal niyang sabi. Sumikip ang dibdib ko dahil dun.

"Walang kinalaman ang sakit na dinaranas ko Aubrey, sinabi ko to dahil ayaw kong mapapahamak ang isa sa mga kaibigan ko at lalong lalo kana. Alam kong masakit ngunit kaylangan mong layuan siya" taos kong sabi. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit inilayo niya ang sarili sa akin. Parang sinaksak ng kutsilyo ang dibdib ko.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon