Chapter ♥ 51

2.2K 95 77
                                    

Blaire POV

Nilibot ko ang paningin at nakita kong nagtulong tulungan ang mga tao para itipon ang mga namatay. Nakikita ko sa kanilang mga mata ang lungkot at pangungulila sa mga minamahal nila. Napabuntong hininga nalang ako. Sumunod ako kay Four ngunit nananatiling malayo ang distansya namin. Nakita ko naman silang Scarllet na tumakbo para salubungin kami. Huminto si Four kaya huminto narin ako sa likod niya.

"Love okay ka lang? May masakit ba sayo?" nakita ko namang agad sinuri ni Divine si Four para malaman kung may galos ba ito. Gusto ko namang umismid dahil kitang kita naman na walang niisa itong pasa.

"No, I'm fine" maikling tugon niya dito.

"Blaire ayos ka lang?" nag-alalang tanong ni Sophie ngunit ang mga lalaki ay nagsikanya kanyang tikhiman habang di nakatingin sa akin kaya kumunot nalang ang noo ko.

"Ayos lang ako" tugon ko naman.

"Blaire bakit wala kang pambaba?" naguguluhang tanong ni Lucy. Nanlaki nalang ang mga mata ko at agad tumingin sa baba. Kaya pala ganun nalang ang reaksyon nila dahil sa wala pala akong damit pambaba. Napakamot nalang ako sa batok. Bakit ko ba iyun nakalimutan?

"Ahmm mahabang usapan, bumalik nalang tayo sa kaharian" ako na mismo ang nagyaya na bumalik sa kaharian dahil ayaw kong sagutin ang tanong ni Lucy. Baka saan pa mapunta at mahalungkat ang lahat ng nangyari kanina. Kahit naguguluhan sila ay sumang-ayon nalang sa sinabi ko.

Nakabalik kami ng kaharian at magulong paligid ang nakikita ko. Sinalubong naman kami ng reyna at kinonsulta ang mga nangyari. Sinabi naming naubos na ang mga nilalang na sumalakay sa lugar nila. Lubos nila kaming pinasasalamatan dahil sa ginawa naming pagtulong. Nagdesisyon ang reyna't hari na matulog muna kami at sila na ang bahalang umayos sa gulo ng kaharian at sa nayon. Wala na kaming naging salita pa dahil gusto narin naming makapagpahinga.

Pagpasok ko sa aking silid ay agad akong naligo muli para linisin ang sarili. Pagkatapos nagsuot ako ng komportableng damit at agad tumihaya sa kama. Dahil sa pagod, agad akong hinila ng antok.

NAGISING ako dahil sa katok na nanggagaling sa pintuan. Bumangon ako habang kusot ang mga mata at bumaba ng kama. Ano ba naman ito? Ang aga-aga namang nambubulabog, ang sarap pa kayang matulog. Nakabusangot kong binuksan ang pinto at bumungad naman sa akin ang bagong gising na si Parker.

"Ano?" irita kong tanong sa kanya.

"Alas siyete daw tayo aalis kaya maghanda kana" humihikab niyang sabi at agad akong tinalikuran. Napairap nalang ako at padabog sinarado ang pinto.

Naglakad ako pabalik sa kama at muling humiga. Bahala sila, basta matutulog muna ako. Pinikit ko ang mga mata at niyakap ang unan. Ang sarap talagang matulog, sana ganito nalang lagi. Unti unting kumalma ang aking sarili hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

AGAD lumukot ang noo ko dahil sa muling pagkakabulabog.

"Blaire lumabas kana! Mag-agahan na daw tayo para makaalis na!" sigaw ng boses na nagmula sa likod ng pintuan. Si Lucy iyun. Ano ba ang mga tao ngayon? Ang hilig manira ng umaga. Napasabunot ako ng sariling buhok at akmang babangon ngunit parang nakadikit ang katawan ko sa kama kaya muli akong bumagsak. Gusto ko pa talagang matulog.

"Limang minuto muna!" inaantok kong sigaw. Katahimikan naman ang sumagot sa akin kaya nakahinga na ako ng matiwasay. Siguro umalis na yun. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ngunit agad akong napabangon dahil sa lakas ng katok sa pinto. Aba, sisirain pa yata ang pinto.

Nag ngitngit ang mga mata ko habang bumaba ng kama. Malintikan talaga ang isang 'to. Marahas kong binuksan ang pinto at agad ibinuka ang bibig.

"Ano ba_" napatigil ako sa pagsigaw dahil sumalubong sa akin ang di maipintang mukha ni Four. Halos magkasalubong ang mga makapal niyang kilay at naningkit ang nakamamatay niyang mga mata. Umigting narin ang kanyang panga at mas lalong pumula ang mga labi niya. Napalunok ako, ang gwapo niyang tingnan. Paano nalang kaya ito ang mapapangasawa ko at ito ang masilayan ko bawat umaga? Ang sarap siguro sa pakiramdam nun.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon