Chapter ♥ 52

2.2K 96 150
                                    

Blaire POV

Inimbitahan kami ng mahal na hari at reyna para mag tanghalian. Agad naman kaming natapos kumain at di na kami ng tagal dahil agad din kaming nagpaalam para puntahan ang kasunod na lugar. Ang Amilouse.

Pagdating namin ay agad naming tinanim ang binhi sa nayon at pagkatapos dumeretso kami sa kaharian. Mainit naman kaming sinalubong ng Reynang si Chrisia at haring Eldon na ang mga magulang ni Lucy. Napagdesisyunan naming dito lang muna magpalipas ng gabi at dahil wala namang kahina hinalang panganib kaya nanatili lang kami sa kaharian.

Andito ako ngayon sa isang malaking fountain kung saan napalibutan ng mga tuyong halaman. Huminga ako ng malalim. Ilang araw narin kaming wala sa akademya. Ano na kaya ang lagay ng mga estudyante doon? Ligtas kaya sila? Hanggang kaylan kaya kami makikipaglaban? Sa daming problema sa buhay maiisip nalang natin na tapusin ang natitira nating oras sa mundo ngunit malaking kasalanan iyun. Kinitil mo ang iyung buhay dahil sa hirap ng pinagdaanan mo pero di mo alam na mas maghihirap ka pala sa kabilang buhay. Sabi nila, ang mga problema ay hindi binigay ng nakatataas pag hindi mo ito makakaya. Ako kaya? Kaya ko kayang lampasan ang kinakaharap kong problema? Muli akong nagpalabas ng mabibigat na hininga.

Kakayanin ko alang-alang sa magiging anak ko. Niyakap ko ang sarili at hinagod ang mga braso. Lumamig na ang klima dahil maggagabi narin.

"Ahemm!" napabaling ako sa gilid nang may tumikhim at nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Josh. Lumapit siya sa akin at tumabi.

"Maggagabi na, bakit kapa nandito sa labas? Malamig pa naman" mahinahong sabi niya at muli ko namang itinuon ang paningin sa fountain.

"Nagpapahangin lang" kaswal kong tugon. Naramdaman ko namang inilagay niya ang kanyang suot na jacket kanina sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya. Napalunok nalang ako dahil ang lapit lapit na ng mga mukha namin. Napatitig ako sa mga mata niya at ganun din siya kaya nagbaba ako ng tingin. Parang tumigil ang mundo dahil napako ang aking mga mata sa mga labi niya. Dinig na dinig ko ang kanyang paglunok.

"Para hindi ka lamigin" nahugot ko ang aking hininga dahil nalanghap ko ang mabango niyang hininga. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba lalo na't napadako ang kanyang tingin sa mga labi ko. Unti unti siyang lumapit sa mukha ko. Hahalikan niya ba ako?

Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumama sa aking mukha. Lalapat na sana ang mga labi niya sa mga labi ko ngunit agad kaming nabuwag nang may narinig kaming pagsabog. Nabalik ako sa katinuan at agad nilibot ang paningin. May nakita akong nasusunog na tuyong halaman sa gilid namin kaya agad ko iyung ginawang yelo para hindi kumalat ang apoy. Sinong may kagagawan nun? Muli kong nilibot ang paningin at napahinto ako sa isang balkonahe. Nangunot ang noo ko dahil may bulto ng lalaking nakatayo doon. Hindi ko lubos maaninag ang mukha niya dahil madilim na ang paligid. Napaatras ako nang kaunti dahil natamaan ang mukha niya ng sinag ng buwan. Si Four at ang dilim ng mukha niya. Nakalunok ako. Siya ba ang nagbato ng apoy? Bakit naman? Napakagat ako ng iibang labi sa pagkakaalalang muntikan na kaming magkahalikan ni Josh kanina. Nagseselos ba siya?

Nilingon ko si Josh at nakita ko ang nakakunot niyang noo. Muli kong binaling ang tingin kung saan naroon si Four ngunit wala na siya dun. Saan na ang lalaking yun? Bumuntong hininga nalang ako. Binalingan ko muli ng tingin si Josh.

"Ahmm Josh, papasok na ako" paalam ko habang nakakamot sa batok. Ngumiti naman siya.

"Sige, sabay na tayo" sabi niya at tumango nalang ako. Nagsimula kaming naglakad papasok habang naguusap. Nakarating naman kami sa magiging silid ko kaya hinarap ko siya.

"Ahm sige, goodnight" saad ko. Natuod ako nang agad siyang lumapit sa'kin at naramdaman ko ang pagdampi ng malalambot niyang mga labi sa aking noo.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon