Chapter ♥ 26

2.1K 86 42
                                    

Blaire POV

Pagpasok namin ay agad kong pinailag ang aking pegasus nang sinalubong ako ng kidlat. Ang ingay ng mga kidlat at kulog.

"Keep going!" sigaw ni Four.

Ilag lang kami ng ilag sa mga kidlat kahit nahihirapang sumugod ang aming pegasus dahil sa malalakas na hangin. Agad kong nilibot ang paningin at nanlaki ang mga mata ko nang may kidlat na papunta kay Acel.

"Acel! Ilag!" sigaw ko at agad naman siyang umilag kaya nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

Nagpatuloy lang kami sa pagsugod at alam kong nahihirapan na ang mga kasamahan ko. Nakita kong pilit kinontrol ni Aubrey ang mga kidlat ngunit nahihirapan din siya lalo na't may malalakas na hangin na hindi naman nanggaling sa kapangyarihan niya. Si Acel naman ay sinubukang kontrolin ang hangin ngunit mas lalo lang lumala. Parang sa bawat pag kontra nila ay nilalabanan ng mga kidlat at hangin. Ang tanging magagawa lang namin siguro ay lagpasan lang ito.

Napabaling ako kay Lucy na ngayon ay abala sa kanyang pegasus at napaangat ako ng tingin sa itaas niya. Nakita kong may papalapit sa kanyang kidlat kaya agad ko siyang tiningnan muli. Napakagat ako ng labi dahil wala na akong pagpipilian pa.

Mabilis kong pinalipad ang pegasus ko at agad nagtungo sa gawi ni Lucy. Tumingin ako sa itaas at nanlaki ang mga mata ko dahil ilang pulgada nalang ay tatama na ito sa kanya.

"Lucy!" sigaw ko at napatingin naman siya sa akin. Agad kong binangga ang kanyang pegasus sa pegasus ko at napaawang ang aking bibig dahil sa sakit nang tumama sa akin ang kidlat. Nahiwalay sa akin ang aking pegasus dahil natamaan din ito ng kidlat at nauna itong bumulusok pababa. Di ko magawang makalipad dahil parang di ko naramdaman ang aking katawan kaya palaglag ako ngayon.

"Blaire!"

"Snow!"

"Threes!"

Narinig ko ang pagtawag nila sa mga pangalan ko. Parang namanhid ang aking katawan. Parang humina ang takbo ng mundo. Nakita ko si Four na lumilipad pababa kasama ang pegasus niya para habulin ako at abutin.

Umawang muli ang aking bibig nang may tumama saking kidlat. Nanlabo na ang aking paningin dahil sa sakit at pang hihina. Ngunit nagpapasalamat ako dahil hindi ako sumabog. May naramdaman naman akong mga brasong yumapos sa aking beywang.

"Threes?" may mahina namang boses na tumawag sa akin. Naramdaman kong may kamay na tumapik-tapik ang aking pisngi.

"Threes, please hold on. Don't close your eyes" pamilyar sa akin ang boses niya kaya pinilit kong inaninag kung sino man ito.

Kaharap ko ngayon ang malabong mukha. Pumikit ako at dumilat muli. Malabo parin ang paningin ko ngunit di ako nawalan ng pag-asa hanggang sa nakita ko na ito ng malinaw. Napangiti ako dahil si Four ito at para naman siyang nabunutan ng tinik.

"Threes" mahina niyang sambit sa aking pangalan. Gumalaw ako ng kunti na ikinangiwi ko. Tiningnan ko ang aking sarili at nakita kong duguan ako. May mga sugat akong natamo at napakalalim ng mga ito.

"Threes I'm sorry, I wasn't able to protect you" mahinang sabi niya. Tiningnan ko naman siya sa mga mata.

"W-wag kang h-hihingi ng kapatawaran dahil wala kang kasalanan" mahina at pagod kong sabi. Ang swerte ko dahil nagawa ko pang huminga at magdilat ng mga mata.

"Still" usal niya at hinalikan ko sa ulo. Nakasakay ako ngayon sa pegasus ni Four at siya naman ay nasa aking likod habang nagmamaneho ng aming sinasakyan para umiilag sa mga kidlat.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon