Chapter ♥ 34

1.9K 82 69
                                    

Blaire POV

Andito ako ngayon sa aking silid na nakadapa sa higaan at nagmumokmok. Hindi parin mawala wala sa isip ko ang nangyari kanina. Ang sakit pala pag nakita mong may kahalikang iba ang mahal mo. Ang sakit pag alam mong hindi kayo para sa isa't isa. Ang sakit pag wala kang kalaban laban sa mundo niya. Oo, mahal niya ako at mahal ko din siya pero sa tingin ko ay hanggang dun lang kami. Ang sakit sakit, simula palang to pero ang tindi na ng nararamdaman ko. Noon sinabi ko sa sarili ko na maging matagtag ako pagdating sa sitwasyong ito, pero bakit ngayong dumating na at kahit simula palang ay para na akong pinatay sa sakit.

Agad akong nagpahid ng mga luha nang nararamdaman ko ang presensiya ni Four ngunit nananatili lamang akong nakadapa.

"Threes" mahinang sambit niya sa aking pangalan. Di ako umimik dahil ayaw kong magwala.

"Threes please, talk to me" emosyonal niyang saad at para namang lumambot ang puso ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya.

"Alam mo namang hindi natin iyun inaasahan, I'm sorry kung hindi ako nakapag-react kanina dahil nagulat din ako" pagpapaliwanag niya at dahil sa sakit ng nararamdaman ko ay agad akong bumalikwas sa pagkakadapa sabay bato sa kanya ng unan.

Bumilis ang aking paghinga habang galit akong nakatingin sa kanya. Akmang lalapit siya sa akin ay agad ko naman siyang pinigilan.

"Wag kang lalapit! Baka masapak kitang lalaki ka!" galit kong pigil sa kanya at nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Iwan ko ba, kahit alam kong hindi naman niya iyun ginusto pero di ko padin mapigilan ang magalit sa kanya.

"No Threes, please don't do this to me" nagsusumamo niyang sabi at nagmamakaawa ang mga mata niyang hayaan ko siyang lumapit.

"Umalis kana! Baka hinanap kana ng babae mo" taboy ko sa kanya at nararamdaman kong malapit naring nagsibagsakan ang mga luha ko pero pilit ko parin pigilan ang mga ito.

"No! Threes I don't like her, alam mong ikaw ang mahal ko" taos niyang sabi at nakita kong parang maluluha na siya. Napakagat ako ng iibang labi, parang piniga ang puso ko dahil sa mukha niya. Nagsimulang tumulo ang mga traydor kong luha dahil mas lalong sumakit ang naramdaman ko pag nakita siyang nasasaktan.

"Love!" naagaw ang atensyon namin nang may nagsalita sa labas ng aking silid. Boses palang ay alam ko na kung sino ang babaeng iyun. Dinagdagan ang dormitoryo na ito ng isa pang silid para lamang sa kanya.

"Lumabas kana Four, hinahanap kana niya" saad ko at pilit kinalma ang sarili. Pinunasan ko ang aking mga luha at bumaba ng kama. Pumanhik ako ang silid-paliguan ng walang pasabi sabi. Alam kong lalabas din siya para puntahan ang babaeng yun.

Agad kong sinarado ang pinto ng silid paliguan at napasandal nalang ako roon. Nanghihina ang tuhod ko kaya napadalus-dalos nalang ako paupo. Niyakap ko ang aking tuhod at di ko na napigilan ang sariling humahagulgol.

Gusto kong sumpain ang sarili dahil sa pagiging mahina. Ang hina ko, ang hina ko pag dating sa bagay na ito. Pinahiran ko ang mga luha at dahan dahang tumayo. Para akong lasing nang nagsimula akong naglakad papunta sa shower. Binuksan ko ito at hinayaan lang mabasa ang aking suot. Nilapat ko ang aking kamay sa dingding para pang suporta. Sinuntok suntok ko ang aking dibdib dahil sumikip nalang ito bigla. Napaupo nalang ako sa sahig habang walang tigil sa pag-agos ang tubig.

"Blaire!"

"Snow!"

May narinig naman akong mga boses na nanggaling sa labas ng kinaroroonan ko ngayon. Malakas ang pagkatok nila sa pinto ngunit hindi ko lang sila pinansin. Gusto kong mapag-isa, gusto kong lumayo sa lugar na ito. Labis akong nasaktan at hindi ko ito kayang itago. Ayaw kong makita nila akong mahina at kaawaan nalang.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon