Chapter ♥ 40

1.9K 69 55
                                    

Third person POV

May isang binatilyong nakaupo sa isang bato habang nakatingala ito sa buwan. Bigla namang sumagi sa isip niya ang kanyang nakaraan.

------------------Flash back-----------------

Pauwi siya galing sa skwelahan at pagdating niya sa bahay, nagulat nalang siya dahil nagkalat lahat ang mga gamit. Bigla namang kumabog ng malakas ang dibdib niya.

"Mom! Dad!" sigaw niya habang nilibot ang tingin sa loob ng bahay. Mabilis siyang umakyat ng hagdanan at agad pumunta sa kwarto ng mga magulang niya.

Tumigil ang mundo niya dahil tumambad sa kanya ang nagkalat ng dugo sa buong kwarto. Halos masuka siya dahil may dalawang katawan na nakalatag sa kama at labas lahat ng lamang loob nito. Dahan dahan at nanginginig ang kanyang katawan habang humakbang siya papalapit. Nanlumo nalang siya dahil ang mga magulang niya ito. Parang nawala siya sa katinuan habang pinagmasdan niya ang mga mukha nitong nakanganga na parang takot na takot. Kusang bumagsak ang mga luha niya dahil sa takot.

Umiling-iling siya dahil ayaw niyang paniwalaan ang mga nangyayari. Agad siyang napalingon sa banyo nang bumukas doon ang pintuan. Napaawang ang bibig niya kasabay ng paglaki ng kanyang mga mata. Nakita niyang may lumabas doong isang dambuhalang nilalang na maitim. Dala dala nito ang dalawang duguang puso at kinain iyun. Napasuka siya dahil sa kanyang nasaksihan kaya naagaw niya ang atensyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras nang naglakad ito papalapit sa kanya. Agad siyang tumakbo papunta sa pintuan at lalabas na sana siya ng kwarto nang may naramdaman siyang may kumalmot sa kanyang likod kasabay ng paghapdi ng kanyang balat.

Napahiyaw siya sa sakit dahil may kung anong rumagasa sa kanyang kalamnan at ugat. Namimilipit siyang lumingon sa likod at nanlaki ang kanyang mga mata dahil nasa likod na niya ang nilalang. Wala sa ayos siyang agad tumakbo. Kahit nakaramdam na siya ng pagkahilo ay di parin siya tumigil sa pagtakbo. Ang gusto niya lang ay makalayo mula sa nilalang. Nakalabas siya ng bahay at halos madapa pa siya dahil umiikot na ang kanyang paningin.

Tumawid siya ng kalsada at pumasok sa isang gubat. Naramdaman niyang nanghihina na ang kanyang katawan. Bumigat narin ang talukap niya. Napakapit siya sa mga nadadaan niyang mga puno para hindi siya matumba. Napahinto siya nang may nakita siyang isang bulto ng tao at papalapit ito sa kanya. Pilit niyang ipinalaki ang mga mata para makita niya ito ng malinaw ngunit nabigo lamang siya. Nakalapit ito sa kanya at hinawakan nito ang kanyang bagang. May pinainom ito sa kanya bago tuluyan siyang nawalan ng malay.

NAGISING nalang siya nang may dumila sa kanyang mukha. Agad siyang nagbalikwas sa pagkakahiga dahil tumambad sa kanya ang mukha ng kambing. Agad siyang naglibot ng tingin at namangha nalang siya sa kanyang nakikita dahil talagang napakagandang lugar ito. Para siyang nasa paraiso na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay. Ngunit napagtanto niyang hindi niya pamilyar ang kanyang kinaroroonan ngayon. Umiling-iling siya dahil naniwala siyang panaginip lamang ito ngunit sinubukan niyang sinuntok ang sarili at nakumpirma niyang totoo ang lahat ng nakikita niya.

Napalunok siya dahil naalala niya ang mga nangyayari sa kanya bago siya napunta sa lugar na ito. Kinapkapan niya ang sarili dahil baka patay na siya.

"Am I dead?" tanong niya sa sarili.

"Nagkakamali ka lalaking mortal" agad siyang napalingon sa likod nang may sumagot sa tanong niya. Napaawang ang kanyang bibig nang nakita niya ang isang lalaking may dalawang sungay sa ulo nito na kulay berde. Nagbaba siya ng tingin at namangha nalang siya dahil ang kalahati nito ang isang kambing. Sa madaling salita, ang taong ito ay kalahating tao at kalahating kambing.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon