Chapter ♥ 57

2.9K 111 182
                                    

A/N: I dedicate this chapter to remaginaxz

Blaire POV

"Blaire please! Kausapin mo kami!" napatigil ako sa paglalakad nang sumigaw si Lucy. Pinikit ko ang mga mata dahil sa namumuong emosyon ko.

Kausapin ko sila at makikiayon sa gusto nila na magkasundo muli? Pero paano kung masaktan muli ako? Oo, alam kong kapag nagmahal ka masasaktan ka talaga dahil parte na iyun sa pinili mo pero pwede namang magpapahinga. Hindi pa ako handang masaktan muli. Nitong nakaraang minuto lang, naisip ko ang magpapatawad nalang pero natakot ako dahil hindi pa pala ako handa. Kahit nakasulat sa propesiya ang dadanasin kong hirap hindi ko parin maiwasan ang magtampo. Nung naghihirap ako, sana man lang sinubukan nilang tulungan ako sapagkat may kakayahan silang gawin iyun dahil mga prinsesa at prinsipe sila pero wala silang ginawa.

Maybe it's time to teach them a lesson na kahit mataas sila, hindi parin lahat ng bagay ay agad-agad nilang makukuha.

"Blaire patawad sa mga nagawa namin, please kausapin mo kami" narinig kong pakiusap ni Sophie. Dumilat ako at huminga ng malalim. Let's see kung hanggang saan ang pasensiya niyo sa akin.

Muli akong naglakad at tuluyan silang iniwan. Nakarating ako sa dormitoryo ko at nakita kong wala ng mga kawal sa labas. Saan na kaya ang dalawang bantay nayun? Siguro bumalik na sa totoong trabaho nila. Pumasok ako at agad pumunta ng silid. Pumanhik ako ng silid-paliguan at agad naligo. Pagkatapos nagsuot ako ng komportableng damit at agad natulog.

NAGISING ako ng alas siyete ng umaga and I did my morning routine. Paglabas ko pa lang ng silid ay may naamoy na akong mabangong pagkain. Agad nangunot ang noo ko. At sinong naglakas loob para makialam sa kusina ko? Dali dali akong bumaba para puntahan kung sinong naglapastangan na pumasok sa dorm ko. Kinalma ko ang sarili dahil si Aubrey lang pala ito. Pakimbot kimbot pa siyang naghain ng dalawang pinggan sa lamesa. Napailing-iling nalang ako. Tumikhim ako at naagaw ko naman ang atensyon niya. Agad nagliwanag ang kanyang mukha.

"Kyaaahh! Good morning Snow! Kanina kapa ba jan? Hali ka kain tayo" masiglang yaya niya sa akin. Umupo ako sa isang upuan at umupo naman siya sa tapat ko.

"Wow! You are really gorgeous to your new look Snow. Ang ganda ng buhok mong gold, benta na kaya natin hihihihihi" mangha niyang puri sa akin at humagikhik sa huli.

"Kelan ka lang nakabalik?" tanong ko sa kanya habang naglagay ng pagkain sa plato at di pinansin ang kanyang pagpupuri.

"Kagabi lang at agad akong dumiretso dito. Sa kabilang kwarto ako na tulog hehehehe pero ang daya mo, di mo man lang ininform sa akin na nakabalik kana pala buti sinabi ni Auntie Calypso" nakanguso niyang sabi. Tumaas naman ang isang kilay ko.

"At sinong nagsabing matulog ka dito?" tanong ko sa kanya at sumubo ng pagkain. Ngumisi naman siya ng mapalad.

"Ako! At ito narin ang magiging dorm ko hehehehehe mas gusto ko kasing ikaw ang kasama" ngiting ngiti niyang sabi.

"Ako, di mo ba ako tatanungin na kung gusto ba kitang makasama?" I asked her seriously.

"Syempre di na yun kaylangan kasi alam kung gusto mo rin" taas noo niyang sabi. Aba, iba. Ang taas ng tingin sa sarili. Papalag na sana ako nang may kumatok sa pinto. Kumunot naman ang noo niya at tumayo naman ako.

"Ako na" prisinta niya at tumayo narin.

"No, ako na" sabi ko at nagsimulang naglakad papuntang pintuan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nasa tapat na ako ng pinto. Presensiya palang alam ko na. Bubuksan ko ba? Kagat labi kong itinaas ang kamay at humawak sa doorknob. Bahala na.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon