Chapter ♥ 37

2K 98 55
                                    

Warning: Kabalastugan alert! Wew wew wew!

Blaire POV

"Bili na kayo, mura lang"

"Oh tela, tela kayo jan!"

"Bili, bili na mga binibini at mga ginoo!"

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Four habang tumitingin sa mga paninda. Maraming napatingin sa amin pero di lang namin iyun pinagtuunan ng pansin. Napangiti nalang dahil ang sarap sa pakiramdam kapag kasama mo ang minamahal. Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mong mahal na mahal ka niya gaya ng pagmamahal mo sa kanya.

"There" usal ni Four at hinatak niya ako sa isang tindahan ng mga aksesorya. Agad naman kaming nginitian ng Ginang na ang may nagmamay-ari ng paninda.

"Bumili kana ijo para sa magandang kasama mong binibini" kalmadong sabi ng Ginang kaya agad namang pumili si Four. Naagaw ang aking atensyon sa dalawang pulseras na magkapareho ang disenyo. Kulay silver ito na may tig iisang nakalawit na kalahating hugis puso. Simple lang itong tingnan pero maganda parin.

Pinulot iyun ni Four kaya nagdiwang naman ang puso ko. Gusto ko talaga iyung bilhin para sa aming dalawa.

"Madam how much are this?" magalang tanong niya at ngumiti naman ng matamis ang ginang.

"Ang ganda ng napili mo ijo, dalawang pilak lamang iyan kaya bilhin muna" nakangiting saad ng Ginang at nilingon naman ako ni Four na may ngiting matamis. Kumuha siya ng dalawang pilak sa kanyang bulsa at agad nagbayad.

Humarap sa akin si Four at kinuha niya ang pulsuhan ko. Napangiti nalang ako habang isinuot niya sa akin ang pulseras. Bumagay iyun sa pulsuhan ko lalo na't maputi ang aking balat.

"Akin na yan" nakangiti kong sabi at kinuha ang pangalawang pulseras. Isinuot ko iyun sa pulsuhan niya at bumagay din iyun sa kanyang kamay. Hinawakan niya ang kamay ko bago namin hinarap muli ang Ginang na ngayon ay ngiting ngiti itong nakatingin sa amin.

"Aalis na kami Ginang at salamat sa paninda mo" taos kong sabi at tumango lang siya kaya nagsimula na kaming naglakad ni Four.

"Nako, salamat at bumalik na sa dati ang mga kalikasan"

"Buhay na buhay narin ang mga pananim kong bulaklak Mare"

"Salamat naman kung ganun"

"Kung magpapatuloy yun, iwan ko nalang kung anong kakainin namin ni Terso"

Nangunot naman ang noo ko dahil sa aking mga narinig. Kung ganun ay pati din pala dito naapektuhan din? Napatingala ako sa kalangitan at nakita kong maayos narin ito, hindi na makulimlim. kung ganun ay maayos narin ang mga kalikasan at buhay narin ang lahat ng puno't halaman. Nilibot ko ang aking paningin at may nakita na nga akong mga punong buhay na buhay ang mga dahon. Pakiramdam ko talaga konektado sa akin ang mga nangyayari. Pero ngayon lang naman ito nangyari, noon nakaramdam ako ng sakit at lungkot ngunit di naman namamatay ang mga kalikasan. Hinala ko ay nagsimula ang mga ito nong nahimatay ako dahil sa surpresang ilusyon. Pero walang kasiguraduhan na totoo ang hinala ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil ang daming katanungan sa aking isipan ng walang ni isang makapag sagot.

"Are you okay?" napalingon naman ako dahil sa nagalalang tanong ni Four.

"Okay lang, may naisip lang ako" nakangiti kong tugon sa kanya at tumango tango nalang siya. Napasyalan na namin ang lahat ng lugar ng nayong ito at marami rami narin ang nabili namin. Bumili narin kami ng mga pangangailangan para sa panghapunan namin.

Ang saya ko sa araw na ito. Yung solo-solo niyo ang isa't isa. Sana lagi nalang ganito. Minsan naisip ko rin na sana wala nalang kalungkutan at sakit pero sa tingin ko ay nakakayamot iyun kung hindi mo nararamdaman ang klase klaseng emosyon.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon