Chapter ♥ 10

2.9K 120 56
                                    

Blaire POV

Nang nakarating kami sa silid-kainan ay nadatnan namin silang Alexis at Acel na nag-ayos ng mga pinggan sa lamesa at may mga pagkain nadin. Naninibago naman ako sa kanila dahil makikita mo sa mga ekspresyon ng mga mukha nila ang galak. Ganito ba ang epekto kapag nagmahal ang isang tao?

"Wow naman, sanaol inlove!" kinikilig sigaw ni Aubrey at sabay naman silang napalingon sa gawi namin. Para namang nakakita ng multo si Alexis ngunit si Acel ay kampante lang.

"Oh, anjan na pala kayo. Kain na" malumay yaya ni Acel samin at ngumiti naman agad si Alexis sabay tango-tango.

"Iba talaga nagagawa kapag inlove noh?" nakangising bulalas ni Scarllet at umiling-iling pa ito. Sa di sinadyang pangyayari ay napadako ang aking tingin kay Lucy, di nakakatakas saking mga mata ang masakit na emosyong dumaan sa magaganda niyang mga mata. Bumuntong hininga nalang ako dahil nakaramdam narin ako ng awa para sa kanya. 

"Wuyy! Anong meron?" agad kaming napalingon sa likod at nakita namin ang ibang kaibigan naming lalaki.

"Ah hahaha kain na!" agarang sabi ni Alexis, bakit pakiramdam ko kinakabahan siya? Dahil ba ito sa relasyon nila? Ngunit wala namang problema dun kung lahat makaka-alam, bagay naman silang dalawa.

Wala nalang kaming naging salita at nagsiupuan na sa kanya-kanyang silya. Nagsimula kaming kumain ng walang ni-isang nagsasalita.

pagkatapos ng tahimik na hapunan ay nagpresinta naman si Sophie na manghugas ng pinagkainan namin. Bumalik ako ng silid at agad akong tumihaya sa kama. Nakatingin lang ako ng kisame habang nag-iisip. Nitong nakaraang araw, hindi na ulit ako nananaginip kasama ng mga kinilala kong magulang. Bakit kaya? nung wala pa ako dito sa akademya ay madalas akong nananaginip sa kanila pero nang nakapasok na ako dito ay madalang nalang hanggang sa wala na talaga.

Sa pag-iisip ko ay unti-unti na akong nilamon ng dilim. Ngunit nangunot ang noo ko nang may narinig akong mahinang boses.

"Goodnight Babe, sleep tight" parang bulong iyun sa pandinig ko dahil antok ang mas nangingibabaw sakin. Pagkatapos nun ay nakaramdam akong may kung anong malambot na dumampi sa noo ko hanggang sa tuluyan akong hinila ng antok.

Alas siyete ng umaga akong nagising at agad kong ginawa ang ritwal sa umaga. Nagsuot ako ng malaking damit na may manggas at kulay rosas ito, may larawang kuneho naman sa harapan. Ang pambaba naman ay cotton short at kulay rosas din. Pinusod ko ang mahaba kong buhok at pagkatapos ay lumabas ng silid.

Nadatnan ko ang mga kaibigan ko sa sala at ang iba labas-pasok ito sa silid kainan kaya nangunot nalang ang noo ko.

"Magandang umaga, anong meron?" takang tanong ko kay Scarllet dahil siya lang naman ang walang ginawa at nakaupo lang ito sa sopa.

"Morning Blaire, nag-bake kasi kami ng cake at ngayon hinihintay naming maluto" nakangiting tugon niya sakin at tumango-tango nalang ako.

"Boring kasi dahil bukas pa naman pasok natin" bulalas niya.

"Kyaaahhhh guys!" agad kaming napalingon sa bakuna ng silid-kainan at nakita namin ang nakangiting Aubrey na nakasuot ng epron. Ang ibang babae naman nasa likod niya na may ngiti din, nakasuot din ito ng mga epron. Buti't si Alexis ay nakisali na.

"Oh, anong ngiti-ngiti niyo jan? Nako, baka masunog yang cake natin" taray sabi ni Scarllet.

"Ah hehehehe wala naman tayong gagawin mamaya, tatakas tayo? Hehehehe may alam kasi akong bahay-inuman at gusto nilang pumunta dun hehehehe para mag-enjoy" ngising-ngisi wika ni Aubrey.

"Opps! Dapat walang kj" sambit naman ni Sophie na nakakrus ang dalawa niyang braso sa dibdib.

"Tama!" pagsang-ayon naman ni Lucy. Nakita kong papalapit nadin ang mga lalaki sa likod nila at nasamid ako sa sarili kong laway dahil lahat sila walang damit pang-itaas, tanging epron lang.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon