Chapter ♥ 39

1.8K 81 53
                                    

Blaire POV

Pumasok ako sa yungib ng pinagtataguan namin ni Four at nakita kong tulog parin siya. Nilapitan ko siya at yumukob para pumantay sa kanya. Napangiti nalang ako ng mapakla habang tinitigan ang kanyang mukha, napakaamo niyang tingnan pag tulog. Hiniwa ko ang ligaw niyang buhok at inipit sa kanyang tenga. Kusa nalang bumagsak ang mga luha ko kaya agad ko itong pinahiran. Wala akong karapatang umiiyak dahil desisyon ko ito. Kinagat ko ang pangiibang labi para pigilang maiyak. Siguro naman maaari ko paring masilayan siya mula sa malayo. Sisikapin kong makukuntento sa ganong sitwasyon.

Nagpalabas ako ng papel at panulat gamit ang kapangyarihan ko. Magiiwan nalang ako ng sulat para kahit papano alam niya ang nangyari. Alam kong masakit din ito para sa kanya pero kaylangan kaming magsakripisyo alang alang sa lahat. Ayaw kong magpapaalam sa mismong harapan niya, baka maduduwag lamang ako. Mahina ako pagdating sa mga bagay na ito. Sigurado akong magmamakaawa na naman siyang wag ko itong gawin. Sigurado akong hindi siya papayag sa pasiya ko. Sigurado akong hindi niya ako hahayaan kaya mas mabuting magpapaalam ako sa pamamagitan ng sulat para hindi niya ako mapigilan.

Napaka labag ito sa aking kalooban ngunit wala akong magawa. Natapos kong naisulat ang lahat ng gusto kong sabihin kaya nilukot ko ito at maingat inilagay sa kanyang kamay. Tiningnan ko ng huling pagkakataon ang mukha niya habang nakangiti ng mapakla. Sana maintindihan niya ako. Sana mapatawad niya ako sa aking naging desisyon. Maingat kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at ginawaran siya ng halik ng pagmamahal. Siguro'y ito na ang panghuling beses madama ko ang kanyang mga labi. Tumulo muli ang mga traydor kong luha kaya lumayo na ako sa kanya at inilapit ang bibig sa kanyang tenga.

"I love you" taos kong bulong at lumayo na sa kanya ng tuluyan.

Pinahiran ko ang mga luha at nagsimulang naglakad ngunit nagmumukha lang akong tanga dahil kahit anong pahid ko tumutulo parin. Bawat hakbang ko, pakiramdam ko parang pansan ko ang mundo dahil sa bigat. Napahawak ako sa dibdib dahil sumikip nalang ito bigla kaya napangiwi narin ako. Nakalabas ako ng yungib kaya agad akong lumanghap ng hangin. Umiling-iling ako at tumayo ng matuwid. Pilit akong ngumiti at muling lumanghap ng hangin. Pinahiran ko ang aking mga luha at desididong naglakad palayo.

Palayo sa taong mahal ko

Third person POV

Nagising si Chaos dahil sa ingay ng mga ibong nagmula sa labas. Agad nangunot ang noo niya nang napagtanto niyang wala si Blaire sa kanyang tabi. Nagbalikwas siya sa pagkakaupo at agad nilibot ang tingin. Nakaramdam siya ng kaba kaya agad siyang tumayo ngunit agad din siyang napatigil dahil may naramdaman siyang may kung anong bagay sa kanyang kamay. Kunot noong tiningnan niya ito. Isa itong nakalukot na papel. Naguguluhan naman siya dahil lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Parang nanigas siya nang nabuklat niya ito.

Dear: Four

           Four, kalimutan muna ang nararamdaman mo sa akin. Naintindihan ko na ngayon, hindi talaga tayo para sa isa't isa. Bumalik ka ng akademya dahil kaylangan ka nila at ni Divine. Oo, masakit ito para sa akin at sayo pero wala tayong magawa dahil talagang malupit ang tadhana. Kung magkatagpo man tayo muli, wag mo na akong kausapin o lapitan man lang at sa pamamagitan na iyan makakalimutan muna ako ng tuluyan. Hindi ako nababagay sa pagmamahal mo Four kaya sana maintindihan mo ako. Sana mapapatawad mo ako. Kakalimutan na kita at sana ganun karin, please.

Paalam Four

                                                   Blaire

Pabagsak siyang napaluhod sa lupa dahil sa kanyang nabasa. Nanginig ang kanyang kamay habang nakahawak sa papel. Nilukob ang buong pagkatao niya ng takot. Pilit niyang ipinalaki ang mga mata dahil parang nanlabo ang kanyang paningin. Nagbakasakali siya na mali ang pagkakabasa niya ngunit nabigo lamang siya dahil totoo ang kanyang nabasa. Nanginginig ang buo niyang katawan at dahan dahan niyang hinawakan ang labi dahil ramdam niya parin ang mga labi ni Blaire. Kusang bumagsak ang kanyang mga luha na kanina niya pa pinipigilan ngunit agad din niya itong pinahiran at agad lumabas ng pinagtataguan. Wala sa sarili siyang naglibot ng tingin sa kanyang paglabas.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon