Chapter ♥ 59

3K 103 105
                                    

A/N: I dedicate this chapter to DanAuditor MikaziChristina Elysixnn__ xCHUNTAROx osicneyam user14048461 JannaAlfonso

Blaire POV

Habang tumugon ako sa halik niya, sumagi parin sa isipan ko na may ibang babae siyang nakatalik. Pilit kong labanan ang wag magpapaapekto ngunit umasim ang sikmura ko dahil di talaga mawala-wala sa isipan ko ang araw na iyun. Naramdaman ko namang gumapang ang kanyang mga kamay sa mga hita ko kaya agad ko siyang naitulak ngunit nananatiling nakakandong ako sakanya. Agad namang rumehistro sa kanyang mukha ang pagtataka kaya napakagat ako ng iibang labi.

"I'm sorry" mahinang sabi ko. Ayaw kong maging makitid dahil lalaki parin siya, madaling maakit at sensitibo. Pero di ko parin maiwasan ang magselos at masaktan kahit di din niya ginusto ang nangyari.

Bumuntong hininga naman siya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Are you mad at me?" masuyong tanong niya. Umiling-iling ako habang ang tingin ay nasa baba.

"You're still jealous?" tanong niya muli. Napakagat ako ng labi bago marahang tumango.

"Okay, I won't force you to stop for being jealous but give me a chance na iparamdam sayo that you're the only woman that I love" masinsin niyang sabi. Napatingin ako sa mga mata niya na ngayon ay puno ng katotohanan. Tumango ako muli dahil ayaw ko din namang mas lalaki pa ito. Alam kong mawawala din itong naramdaman ko.

"Balik na tayo, baka naghahanap narin sila ngayon" yaya ko sakanya at ngumiti naman siya bago tumango. Nanlaki nalang ang mga mata ko sa taranta nang agad siyang tumayo habang karga ako. Napatili nalang ako dahil agad siyang lumipad paitaas. Narinig ko naman ang mahihina niyang tawa kaya agad ko siyang pinalo sa braso.

"Psh tumatawa pa" nakabusangot kong sabi. Ikaw ba namang agad-agad kang tangayin sa paglipad ng hindi mo alam, di kaya lilipad ang kaluluwa mo sa gulat? Baka pati balakubak lilipad.

Nakalapag kami sa lupa kaya bumaba na ako sakanya at agad naunang naglakad habang nag papadyak ang mga paa. Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Napasinghap ako nang may agad yumakap sa akin mula sa likod. Napapikit nalang ako dahil sa mainit niyang bisig na kahit basa kami ay naramdaman ko parin.

"I'm sorry babe, please don't mad at me" malambing niyang sabi at nilagay ang baba niya sa balikat ko. Bumuntong hininga ako at hinarap siya.

"Hindi ako galit" seryosong sabi ko. Napanganga nalang ako nang ngumuso siya.

"Pero bakit agad mo akong tinalikuran?" nakanguso niya paring tanong. Damn, his really cute. Buti sa akin lang siya ganito dahil kung sa iba baka di ko kakayanin at makapatay ng wala sa oras.

"Gusto ko na kasing makauwi tayo" palusot ko at pinalambot ang ekspresyon sa mukha. Nakahinga naman siya ng maluwag at hinalikan ako ng mabilis sa mga labi.

"Let's go" yaya niya at hinawakan ang kamay ko. Nagsimula na kaming naglakad habang nagkahawak ang mga kamay. Di ko napigilan ang sarili na ngumiti dahil sa wakas, kasama ko na rin siya muli.

"Four" banggit ko sa pangalan niya.

"Hmmmm?" yun lang ang lumabas sa bibig niya habang abala siya sa dinaanan namin. Pwede naman kaming mag teleport pero mas gusto ko munang masolo siya at baka ganun din siya. Alam kong naging marupok ako ngunit di naman mali ang magpatawad at magbigay ng isa pang pagkakataon dahil habang may buhay, lahat may pag-asa. Unang-una palang nabuhay na akong malambot ang puso, madaling magmahal, madaling masaktan at madaling magpatawad. Kahit titigas pa ito sa lamig, natitibag parin.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon