Chapter ♥ 50

2.4K 116 144
                                    

Blaire POV

Pagbalik namin sa nayon ay agad naming inayos ang lahat ng problema na pwedeng pang uyusin. Pagkatapos bumalik din kami sa kaharian at mabuting di naman masyadong naapektuhan ito sa gulo kanina. Marami din naman kasing kawal ang nakabantay. Napagdesisyunan naming magkakasama na puntahan ang susunod na lugar kaya nagpaalam na kami sa hari't reyna. Gusto ng reyna na sa kaharian nalang muna kami magpalipas ng gabi pero si Acel na ang humindi dahil gusto nadin nitong matapos ang misyon kaya walang nagawa ang reyna't pumayag nalang.

Gumawa ng portal si Four papuntang Poisorous village at ang unahan nito ay kung saan ang kaharian. Madali kaming nakarating sa aming destinasyon at tumambad naman sa amin ang isang gubat na may mga halamang patay. Patay din ang mga puno. Agad kong nilibot ang paningin at napapansin kong kakaiba ang mga halaman na ito. Bago lang sa akin, kung buhay pa ito maaring maganda itong tingnan. Ayun sa tantiya ko ay masukal ang gubat na ito noon, noong hindi pa tuyo't patay.

"Hey don't touch it!" naagaw ang atensyon ko kay Kade dahil sumigaw ito. Tiningnan ko naman kung sino ang pinagsabihan niya at nakita ko si Sophie na akmang hahawakan ang isang halamang patay.

"Bakit naman?" iritabling tanong ni Sophie. Agad naman siyang inilayo ni Kade sa halaman.

"Look" saad ni Kade habang nakatitig sa halaman kaya napatitig kaming lahat doon.

Nakita kong unti unti iyung nagkaroon ng berdeng usok at may dumapo doong isang insekto. Nagulat kami nang namatay ang kawawang insekto. Anong klaseng halaman ito?

"Halos lahat ng makikita niyong halaman dito ay nakalalason kaya mag-ingat kayo. Maganda ang lugar namin pero delikado at nakamamatay. Just like a rose, beautiful but dangerous" babala sa amin ni Kade. Napaisip naman ako. Kahit delikado ay di ko parin maiwasan ang mamangha dahil sa likas nitong katangian.

"Ang brutal naman ng lugar niyo" nakasimangot sabi ni Sophie.

"Ako bebs, brutal sa kama pero ang sarap pwede ko sayong ipadama" pilyong sabi ni Kade at kumindat pa ito. Nakita ko naman ang pamumula ni Sophie at agad itong tumalikod na parang natatae. Napakamot nalang si Kade sa isa niyang kilay at nagpatuloy sa paglalakad. Napailing-iling nalang ako at sumunod sa kanila.

Nakalabas kami ng gubat at bumungad sa amin ang tahimik na nayon. May kaunti din namang mga taong gumagala ngunit parang mailap. Nagpatuloy kami sa paglalakad at ni isa sa kanila ay wala man lang lumapit sa amin. Hindi ba sila nagugutom?

"Mga mahal kong mamamayan! Andito kami para makatulong!" pag-agaw ni Kade sa mga atensyon nila. Katahimikan naman ang sumagot sakanya. Napansin kong parang wala lang silang narinig, imbes lalapit sa amin ay nagsipasok nalang sila sa kanilang mga bahay. Ang iba mukhang napatingin pa sa paglubog ng araw at saka dali daling pumasok.

"Itanim nalang natin ang binhi" matamlay sabi ni Lucy. Tumango nalang kami at itinanim nga iyun ni Kade. Agad naman iyung nagbunga ngunit wala man lang ni isang mamamayan ang lumabas sa mga bahay nila.

"It's okay guys, sigurado akong bukas lalabas na sila para kumain" mahinahong sabi ni Scarllet. Tumango tango nalang kami. Agad akong napalingon sa kaliwang bahagi nang may narinig akong nagbukas ng pinto. Napatingin naman sila doon at nakita namin ang matandang lalaki. Makikita mo sa kanyang galaw ang pagmamadali.

"Lolo, may pagkain na ho kayo" nakangiting sabi ni Lucy.

"Mas pipiliin naming magutom kaysa makain ng mga halimaw na gabi gabi gumagala. Kung ako sa inyo ay magsibalik na kayo sa mga kaharian ninyo" diing sabi ng mama at tumingin tingin pa ito sa paligid. Nangunot naman ang noo ko. Anong klaseng halimaw ang tinutukoy nila?

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon